Chapter 22

7.4K 244 37
                                    

Pasyente.


"NANAY?" Nagugulohang ani Fei habang naka-harap sa likod ko.

"F-fei—

"Ang cute naman ng batang 'yon. Feeling ko malapit na rin ako maging Ina." Naka-ngiting ani Fei habang hawak hawak ang dibdib niya.

Nang-tignan ko ang bata ay saka lang ako naka-hinga nang maluwang dahil hindi Liam. Mas gwapo ang anak ko. Charot.

"Bakit? Nagkan—

"Ay gago, Ayri. Oh lord jesus." Oa na sigaw niya habang tinatakpan ang magka-bilang tenga niya.

"Ano? Nag-kanton na ba kayo kako? Ano na namang nasa isip mo?" Inosenteng ani ko.

"Putangina mo talaga—" Natigil kami pareho dahil sa pag-tunog ng isang cellphone, nang tignan ko kung galing saan ang ingay. Aba galing sa cellphone ng bruha.

"Hoy sino 'yan? Si Jordan mo na ba 'yan? Aba sana lahat." Sabi ko at sinubukang silipin ngunit mabilis ang gaga kaya ang nabasa ko lang ay 'ba—

"Baby ba 'yan? Corny niyo naman." Sabi ko. Sinagotan niya ito at sinenyasan ako na tumihik. Natatawa akong umiling at tinapunan ng tingin sina Hugo na nagkakagatan.

"Ha? T-teka.." Tila natatakot na aniya.

"Hatdog. Aniyare sayo?" Pabulong na sabi ko.

"A-ano? Wala. Wala akong kasama promise. Ano lang, uhm.. bumili ako ng ice cream oo."

Nangunot ang noo ko sa kanyang ekspresyon. Para itong natatakot na ewan. Ano bang nangyari sa kaniya?

Nang ibaba niya ang tawag ay nagmamadali siyang nagpaalam, ninakaw pa nga ang ice cream na kinakain ko kanina.

"Tawag ka ha? Salamat sa ice cream. I love you, Ayri!" Aniya at tuluyan nang nag-laho.

"Hello po Nanay. Sabi ni Papa bawal ka raw puntahan kanina kasi may kausap kang babae? Pwede ko ba 'yon maging shota?" Natawa ako sa sinabing 'yon ni Liam.

"Siraulo ka talaga, Hugo. Kung ano ano nalang itinuturo mo sa anak ko." Naiinis kong sabi habang tinitignan ng masama ang naka-ngising demonyo na si Hugo.

Tatawa-tawa niyang itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko sa mga police. "Ano? Sinabi ko lang na hindi ka pwedeng lapitan because you are talking to someone." Aniya at tinignan ang bulto ng babae na medyo malayo na ngayon. "Who was that? She looks familiar. Reto mo ’ko."

"Ulol taken na 'yon. Complicated pa ata." Iling-iling kong sabi at yumuko upang tignan si Liam.

"Naku, pawis na pawis ka. Ano ba 'yan, Liam." Salubong kilay naman akong hinarap ni Liam.

"Sorry Nanay. Nanay simula ngayon Archi na lang ang itawag sa'kin o kaya naman Maze na lang kapag galit ka." Masungit na aniya. Makahulugang konnamang tinignan si Hugo na tahimik lang sa gilid. Umiling lamang siya, ngunit may namumuong makahulugang ngiti sa kanyang labi. Ano na naman kaya ang sinabi nito?

"Bakit? Cute naman ang Liam ah?" Nagugulohang ani ko.

"Iam nalang. Ayokom na sa L, Nay." Walang gana na aniya at tinalikuran ako para lumapit kay Hugo.

"Karga." Aniya. Agad namang tumalima si Hugo nang walang ibang sinasabi.

"Ginawa mo r'yan?" Bulong ko. Nag-kibit balikat lang siya at sinubukang harutin si Liam. Lumapit naman ako at pinunasan ang basang likod ng batang pasaway.

"Hey, who wants Papaya?" Masayang pange-engganyo ni Hugo.

"Me'ron po?" Tanong ni Liam at hinarap ako na nasa likod lang nila.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now