Pagbalik ko sa nakaraan.
NANG magising ako ay tulog na tulog pa'rin si Liam. Ilang minuto ko munang pinag-masdan ang maamong niyang mukha na hindi katulad kapag gising siya, dahil laging magka-salubong ang kanyang mga kilay kilay kung hindi naman ay naka-busangot. Lalo na kapag hindi kilala ang lalakeng lumalapit-lapit sa'min, sa'kin to be specific. Excuse me, tabi, hot mama.
Marahan kong inayos ang buhok niya na nasa kanyang mukha na. Natigil na lang ako nang bigla siyang gumalaw at inilapit ang sarili niya sa'kin.
"Nanay? Ang gwapo ni Arquin Maze kahit tulog diba?" Ngisi niya at yumakap sa'kin. Naiiling ko nalang siyang niyakap pabalik habang mahinang tumatawa.
"Good morning, Nanay kong maganda. I love you nang sobra, sobrang sobrang sobrang sobra pa sa sobra, Nay." Aniya habang hinahalikan ang mukha ko.
Napangiti na lamang ako sa kaniyang ginagwa. At pagka-tapos ay pinanggigilan ko ang kanyang pisnge habang siya ay naka-busangot. Ayaw niya raw kasi ng gano'n. Ako nga lang ang nakakagawa nito sa kanya nang hindi ako sinisinghalan.
"Mahal kita nang sobrang sobrang sobrang sobrang sobraaa." Masuyong ani ko at humalik sa kanyang noo.
"Nay, ipit po ng buhok." Nakikiusap na aniya at tinalikuran ako.
Sinimulan kong ipitin ang mahaba niyang buhok habang pinaglalaruan niya ang anim na piraso niyang lego na madalas na nasa tabi ng kama namin. Paborito niya raw ang anim na 'yon. Hindi naman siya gano'n kagulo kaya agad ko itong natapos.
"Nay, patayin ko na ang electric fan. Sayang po ang kuryente, mahal po. Pero mas mahal kita Nanay." Pangisi ngising habang habang tumataas-baba ang makakapal niya kilay. "You're the best, Nanay." Pahabol niya pa at kumindat bago ako talikuran upang pumunta sa banyo at mag-mumog.
Naiiling ngunit naka-ngiti akong sumunod sa kanya. Masayang-masaya na para sa'kin ang umagang 'to dahil sa interaksyon naming dalawa ng anak ko. Iisipin mang mababaw, pero iba ang kaligayahang mararamadaman ng isang Ina sa pan-lalambing ng cute na anak.
Masaya ako, sobrang saya. Sana lang ay h'wag ng bawiin ng panginoon dahil alam ko na ang lahat ng sobra ay may kaakibat na sobrang kalungkutan. Kung mangyari man 'yon ay tiyak na mawawala na 'ko sa sarili.
"NAY ilang days na lang bago tayo lilipat ng bahay para makapag school na 'ko?" Kyuryosong tanong ni Liam habang nasa hapag kainan kami. Wala si Chey kaya tahimik. Mukhang may raket na naman ang bruha.
"Excited ka na ba, anak?" Natatawa kong sabi.
Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha at umiling. Yumuko na lamang siya at ginalaw ang kanyang pagkain.
"Masaya ka ba, anak?" Pangungulit ko.
"Ikaw Nanay? Masaya ka ba?" Balik tanong niya.
Natahimik naman ako at tinitigan siya nang mabuti. "Oo naman... Masaya si Nanay basta kasama niya si Archi, ang gwapong anak niya. H'wag mo 'kong iiwan ha?"
"Nay... Paano kita maiiwan e hindi pa nga ako marunong mag-saing?" Yamot na ani Liam.
"Ang sinasabi ko lang, baka turuan kang mag-layas no’ng kalog na si Hugo." Sabi ko.
"Bakit Hugo lang ang tawag mo kay Papa, Nay? Ayaw mo bang maging asawa si Papa?" Muntik akong masamid na kinakain ko nang sabihin iyon ni Liam kaya agad akong tumingin sa kanya na para bang nandidiri. Pero totoo naman, tangina.
"Anak, don't say bad words! Magge-gyera ang langit at lupa sa mga sinasabi mo eh. H'wag na h'wag na h'wag mong sasabihin kahit kanino 'yan ha?" Pangaral ko. Putangina hindi ako papayag na si Hugo ang endgame ko, kaibigan siya ng tanginang si Aze!
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: