Chapter 77

735 46 6
                                    


Arabella's Pov

“Ano ang sinabi ni lola sa'yo?” tanong ni Ruru na katabi ko lang.

“Layuan na raw kita,” seryoso kong sabi napatigil naman siya kaya tumawa ako ng bahagya at kumunot ang noo niya “Charot lang!” natatawa kong sabi at nilisan siya

Totoo 'yon, pero nag joke na lang ako kasi baka awayin niya Lola niya. Pero, aawayin nga ba? Sino ba ako 'di ba? Kaaway lang nama niya HAHAH!

Napaisip naman ako, ibibigay ng Lola ni Ruru sa akin kahit ano? Kahit anong gusto ko? Ang gusto ko bahay! Bahay na may payapa ang buhay!

Andito na ako sa sofa. Umupo ako at tiningnan si Leo na naglalaro sa cellphone mag-isa.

“Pst,” tawag ko sakaniya kaya nilingon niya ko “asaan sila?” tanong ko at ang tinutukoy ang mga kaklase namin dahilan wala sila dito.

“Asa hardin, si Axel nasa cr ang magulang ni Ruru umalis muna emergency raw and umuwi na ang iba,” ani niya at naglaro na.

Tumayo ako at pumunta sa lumabas sinalubungan ako ng pagyuko ng mga maid, feeling ko talaga ako may-ari nito HAHAH feeling ko lang naman.
Nakarating na ako sa lagusan ng Hardin nang may narinig ako.

“So pinapalayo na si Ara?” dinig kong tanong ni . . . Kevin? Akala ko ba ate Cass? Bad Kevin, Bad.

“Yup, narinig ko,” dinig ko namang sabi ni Jp.

Tsismoso alert!

“What do you mean narinig ko?” boses ni Nathan.

“Narinig ko na sinabi ng Lola ni Jace,” ani ni Jp, lumabas na ako sa taguan dahil puro tsismiss lang naman ang inaatupag.

Gulat silang napatingin sa akin, Kevin, Jp, Aldrin, Adrian na nakatabi ni Ruru na nakaupo sa bleachers at katabi nito si Nathan na nakasalamin at nakatingin ng seryoso katulad nila Adrian at Ruru.

Teka bakit andito na si Ruru?! Saan ito dumaan?

“Oh, bakit parang nagulat ko ata kayo?” nakangiti kong tanong at umupo sa bleacher bago nag cross leg at tumingin sakanila.

“A-ate Cass,” kinakabahan na tawag sa akin ni Kevin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at humalukipkip.

Wow, kanina Ara? Ngayon ate cass? Plastican tayo rito?

Umaatake na naman kamalditahan ko, ano kaya pinag-uusapang ng mga 'to kanina?

“Kanina ka pa?” tanong ni Nathan at umiling ako. Para naman silang nakahinga ng maluwang nang umiling ako.

“Ano pinag-uusapan ninyo?” tanong ko.

“Wala naman. Nga pala, Ara, malapit na exam, ano na plano mo?” tanong ni
Aldrin sa akin.

I tilted my head. “What is my plan? I remember that I don't have anything planned,” ani ko at tumayo ng tuwid bago sila tiningnan isa isa.

“Bakit?” tanong ni Aldrin sa akin.

“Alam mo ba? Kapag nagplano ka kabaligtaran mangyayari?” seryoso kong anong sakanila at umiling naman sila kaya ngumiti ako. “Kapag ang tao ay nagplano sa kalagitnaan kakagat ito, kapag ito'y kumagat sa huli siya'y mabibitag,” saad ko at ngumisi para naman silang natigilan lalo na si Ruru na kaharap ko lang.

“Kasi?” nagtatanong ni Jp nang makarecover siya sa pagtigil.

“Kasi nga mabibitag ka sa sarili mong plano, kaya ako? Kusa lang ako kikilos nang hindi nagpaplano. Dahil kapag ako ay nagplano, sigurado ako rin ang magsisi sa huli,” ngumiti ako at parang natigilan naman sila bakas din sa mukha nila ang pagkagulat at hindi ko na ‘yon inintindi. Katahimikan ang naghahari nang binbasag iyon ni Adrian.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon