II

13 6 0
                                    

CHAPTER TWO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TWO

Bayad

Naging madali lang ang lakad ng oras at panahon. Hindi mo aakalaing pagkagising mo pasukan na naman. Nakakaiyak man oo, pero hindi mo maiiaalis sa 'kin ang ma-excite. Hindi dahil gusto kong makapag-report ulit pero dahil gusto kong makita ang mga kaibigan ko.

Unang lunes ng June ang pasukan. Hindi talaga nagpaawat pa ang DepED at tinuloy talaga ang klase. Panigurado namang nangingitim pa ang mga kaklase ko ngayon dahil na rin sa summer last month at nakahiligang maligo sa dagat. At siyempre, dahil dakilang hindi palaging nakakakita ng tubig dagat, susulitin ang isang buong araw para magbabad sa tubig. Swerte na lang talaga kung hindi ka mangitim diyan.

"Ano, min? Tutulala na lang ba tayo diyan? Hindi ka tatayo para maligo? Aba, hija. . ."

Bago pa man humaba ang sinasabi ni nanay, agad na akong tumayo at malawak na ngumiti sa kaniya. Napangiwi naman siya. Alam niyang peke ang ngiti ko.

"Ito na nga, 'nay. Tatayo na."

Umiling-iling lang siya na nakapameywang pa. "Hala, maligo ka na. Kumain ka na rin pagkatapos. Ihahatid ka ng kuya mo. Aba, grade 8 ka na pero kung magising pang-elementary pa rin."

Ngumuso ako. Bawal bang matulog? Inaantok ako e, anong magagawa natin?

"Hala, sige. Lakad na. Ako na ang magliligpit niyan."

At dun na nga naging totoo ang ngiti ko. Yes!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumakbo agad ako papunta sa kapitbahay at nakiligo dun sa igiban nila. Dun na ako naligo habang nakasuot pa rin ng damit kasabay ang ilan pang katulad kong studyante na nahuli din sa tulog. Nagmamadali tuloy.

Hindi rin ako nagtagal sa pagligo. Agad akong natapos at nagbihis ng uniform. Nagmamadali pa ako dahil alas syete na. Kanina pa din ako tinatawag ni kuya. Mukhang inis na yata sa paghihintay sa 'kin.

"'Nay! Alis na 'ko!" tawag ko. Sinuot ko ang bag pagkatapos kung ipasok ang baunan ko. Lumabas si nanay mula sa kwarto, mukhang katatapos lang magligpit.

"Oh, hindi ka na kakain? Juskong bata ka. Kumain ka muna bago umalis."

Saktong pagkasahi nun ni nanay ay ang pagtawag sa 'kin ni kuya mula sa labas. Tiningnan ko ni nanay ng may 'see? sinong makakakain niyan' look. Napailing ulit siya.

Lumapit ako sa harap niya. Ngumiti sabay lahad ng kamay. "Baon?"

"Ewan ko sa 'yong bata ka." Binigyan niya ako ng sampung piso. Napangiti na ako dun. Energetic akong lumabas at nagpaalam kay tatay nung nakita ko siya sakay ang bike niya. Bibigyan pa sana niya ako ulit ng baon pero tinanggihan ko na. Ngumiti lang siya sa 'kin.

Nakasimangot akong hinatid ni kuya. Panay reklamo kung bakit daw sobrang tagal ko. Ang liit ko daw na tao pero mabagal daw kumilos. Napanguso ako dun. Maliit ba ako? Sa pagkakatanda ko, may mas maliit pa sa 'kin. Ibigsabihin, hindi talaga ako maliit. Matangkad pa ako para sa kanila.

To Forget (Destined Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon