XXVIII

4 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Kiss

To have some arguments, to argue with our partners is just normal. Well, sometimes it's a way to test a relationship but in the end, it will still make your relationship work.

In what way? Siguro kasi pakiramdam ko, kapag hindi kayo nag-aaway, parang may kulang, ang parang dull ng relationship. Ibigsabihin din minsan na walang pakialam ang partner mo sa 'yo. Like, he never gets jealous because for me, it would be normal if I would feel jealous if there's someone surrounding my man. Parang okay lang na magselos kasi may karapatan ako pero dapat hindi naman sobra. Just enough for our relationship to be tested and if this thing happens, we'll be working together to handle it.

Kaya nga sabi ko, bukod sa tiwala at pagmamahal, komunikasyon ang isa sa pinakamahalaga sa isang relasyon. Because even if we argue, we can still communicate our thoughts to handle everything.

Kaya normal lang siguro ito, 'no? Hindi kami nag-aaway pero ramdam ko ang lamig niya. Baka pagod? Yes, it is, my man is just tired.

Mula sa binabasa, inangat ko ang mata. I was a bit shocked when my eyes met Henrick's gentle eyes, staring at me. Pero agad din siyang pumikit, nagpanggap na natutulog at may munting hilik pa akong naririnig mula sa kaniya.

I mentally laughed with that. Binaba ko ang salamin at tinapos ang pagre-review. Well, I can still work tomorrow, right?

Ganun pa rin ang posisyon ni Henrick. Paminsan-minsan ko siyang lingunin at natatawa na lang ako kapag nagtatama ang mata namin. Akala ko tulog na talaga ang isang 'to?

Tinapos ko ang pagliligpit. Pinasok ko iyon sa kwarto at nilapag sa lagayan ko. Bumalik din ako sa labas para ilagay ang tasa sa may lababo. I washed it first before going back to the living room. Iba na ang pwesto ng lalaki, nakatalikod na sa akin.

I chuckled and turned off the lights. May kunting ilaw mula sa kusina kaya hindi masyadong madilim. I slowly walked towards him.

Marahan lang ang ginawa ko para hindi niya mapansin. He's sleeping in a foam near our single couch. Kaharap lang iyon ng lamesa kanina kaya kita ko siya kapag nag-aangat ako ng tingin.

Then, I slowly sit down. I sighed as my finger found its way to his soft, dark hair. I chuckled when I felt him stiffen.

"How are you?" tanong ko sa marahan na boses. "I miss you so much. . ."

Walang sagot mula sa kaniya. Siguro, paninindigan ang pagtutulog-tulugan.

I chuckled once more. "Alam kong hindi ka pa tulog."

He heaved a deep sigh. "You should sleep. . ."

Dahan-dahan siyang humarap pagkatapos niyang sabihin iyon. Umayos ako ng upo. When he also sat on his bed, I looked up to see his face.

He. . . he look so tired. Simula nung umuwi siya, para siyang pagod na pagod. He looks so pale. His reddish lips look so white now.

"Matulog ka na, maaga ka pa bukas."

Kahit seryuso ang mukha niya, kita ko kung paano dumaan ang lambing dun. Agad ding nawala nung nag-iwas siya ng tingin. He sighed and put some strands of my hair on the back of my ear. With that, I sighed and almost closed my eyes.

"Anong nangyari? Hmm?" I asked with my gentle voice. "Tell me, I'm listening. . ."

Binawa niya ang kamay na nasa mukha ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumunta sa may kusina. Sinundan ko lang siya ng tingin, tahimik.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Simula nung umuwi siya dito kahapon pagkatapos kong mabasa ang text ni Trixie at umalis na note lang ang paalam sa akin, wala akong tinanong sa kaniya. I never questioned him. I never ask him about our monthsary. Hindi ko siya tinanong kung bakit hindi siya nakasipot. Hindi ko alam kung bakit minsan niyang kaligtaan ang pagtawag o pag-text. Ang paghalik sa noo kapag umuuwi siya. Ang sabihin sa akin kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko siya natanong tungkol dito. I never asked because I will let him tell me everything without me, asking about it. I want him to tell me what's going on. I want us to communicate because that is our agreement, that we'll be communicating about everything. I never say a word. . . I never confront him. I never did this because I don't want him to conclude that I'm doubting. I trust him. He has all my trust. He has me. . .

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now