XXX

8 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY

Realized

"Hija, saan ka? Hanggang dito lang ang biyahe namin."

Mula sa pagkakatula, napakurap ako. Walang buhay kong nilingon ang driver. He was staring at me, with pity on his eyes.

Sinubukan ko siyang ngitian. Dahan-dahan akong tumayo at hindi naging madali iyon lalo na't hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.

I slowly pulled out my wallet from my pocket. Mabuti na lang at nakuha ko ito bago umalis. Kumuha ako ng dalawang libo. Nakakahiya naman kasi kanina pa ako nakasakay at ako na lang ang natitira sa loob nung tumigil siya dito sa station nila. Mukhang tapos na nga ang biyahe niya.

Inabot ko ang bayad at nanlalaki pa ang mata ng driver, hindi inaasahan na ganun kalaki.

"Sobrang laki nito, Hija."

He was about to give back the one thousand bill when I shook my head. Ngumiti ako.

"Hindi na po, sakto lang 'yan. Maraming salamat nga po pala," mahina ang boses kong sabi. "Mauuna na po ako."

Nasa pintuan na ako ng bus at lalabas na sana nung bigla siyang nagsalita na ikinalingon ko.

"Alam kong hindi ka okay at hindi kita tatanungin tungkol sa kung ano man ang pinagdadaanan mo pero tandaan mo palagi, may mga kaibigan kang pwede mong sandalan at hingan ng tulong. 'Wag kang mahiya sa kanila. Malalagpasan mo din 'yan, laban lang."

I don't know, but that words from the bus driver gave a big impact to my life. Totoo nga talagang minsan kailangan nating makarinig ng salita galing sa mga taong hindi tayo kilala dahil hindi naman puro panghuhusga ang nagagawa nila. May mga mabubuting tao din na magpapaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa.

I stopped walking. Umupo ako sa isang bench na nakita at hindi ininda na basa iyon.

I looked up to see how the moon shines with the star, just after the rain. Napangiti ako. Mas tinitigan kung paano sumaway ang ulap sa gitna ng kadiliman. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero baka madaling araw na din dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Hindi ko man lang namalayan.

Napaisip ako. What will I do now? Where should I start? Where should I go first? Hindi ko gustong umuwi sa bahay. Parang wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa pamilya ko ang nangyari. O ewan ko ba kung may balak akong sabihin sa kanila. For sure, they'll be disappointed and hurt as well, I don't want that.

Ayoko munang umuwi pero saan ako pupunta? My friends are busy with their lives. I don't have the guts to disturb them, to be a burden to them. There's already too much on their plate and I just can't add more.

Muli akong naglakad. Hindi ko alam kung ilang minuto long ginawa iyon hanggang sa nakakita ako ng tindahan. My stomach automatically growls in hunger. Napahawak ako dun. Wala pa pala akong kain simula kaninang umaga.

Agad akong bumili ng pagkain. It was just two cups of noodles and biscuits. Bumili na din ako ng tubig para pangtanggal uhaw.

I started eating. I didn't mind my surroundings since it's still early in the morning. Kahit na nung may pumaradang motor sa harapan ng tindahan, hindi ko iyon pinansin. I was so hungry to mind other people. Not until I heard her called my nickname.

"Basi. . ."

I immediately looked up to see who it was. Nanlaki ang mata ko nung makitang si Shanice iyon kasama si Justin, ang kaibigan ni Henrick na kaibigan ko rin. Justin was just leaning against the motorcycle when Shanice made her way to me.

I stared at her. She was giving me her most genuine smile, as if telling me that everything will be alright. Maybe, not now but in time.

She opened both arms. And it was already too late for me to realize that I was already running to her with tears flowing from my eyes.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now