VIII

14 5 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER EIGHT

Craving

Habang nakatitig sa salamin, paulit-ulit ang pagbuga ng hangin, iniisip ko pa rin kung lalabas pa ako ng kwarto o hindi.

Pambihira kasing kahihiyan 'to e, wala sa tamang oras. Ngayon pa talaga? Mabuti na nga lang at hindi ako nakita ng mga kaibigan ko ng ganun. Pero parang mas nakakahiya pa yata na lalaki pa. Pambihira. Si Henrick pa talaga?

Paulit-ulit kong pag-iisip, napagdesisyunan kong lumabas sa huli. Wala naman akong mapapala kung hindi ako lumabas. Isa pa, mukhang hindi aalis ang mga 'to kung hindi ako kasama.

"Oh, salamat naman at lumabas ka."

Halos mapairap ako sa hangin nang marinig ko na naman ang boses ni Rowilyn. Grabe.

Abala silang lahat sa pag-uusap. Nilibot ko pa ang paningin at napaiwas rin nung magtagpo ang mata namin ni Henrick. Seryuso ang mata.

Pambihira naman, oo. Nakakahiya.

Pinagkasya ko ang sarili sa gitna nina Sandy at Rowilyn sa upuan. Sinamaan pa nila ako ng tingin nung kumuha ako ng kinakain nilang mangga.

"Amin na 'to e," sabi pa nila. Inismiran ko lang. Ibang klase. Ayaw mamigay. Kung tutuusin akin pa naman iyong manggang kinakain nila ngayon. Binigay lang ni Nanay kanina sa kanila. Tapos ngayon, ayaw pa nila akong bigyan, e akin naman.

"Ano? Tutuloy ba tayo kina Shanice ngayon?"

Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Parang out of place ako kasi wala naman akong maintindahan. Isa pa, hindi ko pa alam kung bakit ba sila nandito ngayon. Napaligo tuloy ako nang wala sa oras.

"Wait," singit ko sa gitna ng pag-iingay nila, "Sa'n ba talaga ang punta niyo?"

Dahil sa sinabi ko, sabay-sabay akong nilingon ng mga kaibigan ko. Kumunot ang noo ko dahil sa tingin na binibigay nila. Parang gamit ang mata, sinasabi nilang nasisiraan na ako ng bait o di kaya'y wala sa tamang pag-iisip. Pambihira.

"Nasaang lupalop na 'yang utak mo, Basi? Kanina pa nga namin pinag-uusapan na pupunta kami kina Shanice tapos ngayon magtatanong ka?"

Napasinghap lang ako dahil parang gusto na akong gilitan sa leeg ni Rowie. Pasensiya na, lutang lang.

Kinagat ko ang ibabang labi saka tinaas ang kaliwang kilay. Umakto akong nag-zipper ng bibig na kinatawa naman ng iba. Nanahimik na lang ako sa tabi at nakinig na lang sa pinag-uusapan nila.

"Gagi. Maglalakad pa tayo papunta sa kanila. Another one hour. Anong oras tayo makakarating dun? Ala tres? Alas dos na kaya," saad ni Sandy na parang nag-compute pa yata.

Kinuha ko ang huling piraso ng mangga sa mangkok nila. Natampal pa ako sa kamay ni Rowilyn dahil dun pero hindi ako nagpaapekto. Agad ko iyong kinain at nang-aasar na ngumiti sa kaniya. Akin 'to uy, pinabili ko kay Nanay. Pera nga lang niya.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now