XXIII

6 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

Disappointed

That night, I slept very well. Katabi ko siya. Sa unang pagkakataon, sa higit anim na taon naming relasyon, iyon ang unang beses na tinabihan na ako. . . para patulugin.

I admit, these past few days, I was having a hard time sleeping. Dahil siguro sa dami ng iniisip kaya hindi ako makatulog. And I'm very much thankful that because of him, I had a good sleep. At katulad ng inaasahan, wala siya nung nagising ako.

I sighed. Pinatulog lang talaga ako.

Nung araw na iyon, mas naging malinaw ang isip ko. Every time Henrick would text, I would reply. Medyo maikli nga lang ang mga reply ko dahil abala sa ginagawa.

After replying to Henrick, I immediately chatted with Peter.

To: Peter

I-enroll mo na muna ako, please. May kailangan lang akong gawin ngayon.

From that, I immediately received his reply.

From: Peter

Gago, seryuso??? Anong ginagawa mo at busy ka? Bahala ka jan.

Marami pa siyang chat pero hindi ko na ni-reply-an. Alam ko namang gagawin niya ng pinasuyo ko. After that, I changed my clothes into a formal one. Dala ang resume at application lettee na ginawa kanina, lumabas ako ng bahay.

"Saan ka pupunta, Jasmin?" Si Nanay nung nasa pintuan pa lang ako palabas.

Nilingon ko siya, ngumiti. "May pupuntahan lang, 'Nay."

Huminga ito ng malalim, bahagya lang lumapit sa akin.

"Ang kuya mo?" she almost whispered.

Nilapitan ko siya. Inayos ko ang medyo magulo niyang buhok. She looks so stressed but still beautiful.

"Ayos na si kuya, 'Nay. Gising na. Sabi ng doktor makalabas na din siya. Papauwiin ko ba?"

"Oo, dito mo na iuwi. Hinahanap na din ng Tatay mo, eh."

Tumango ako. "Sige, 'Nay. Bibisitahin ko lang muna siya."

Lalakad na sana ako nung hinawakan niya ako sa braso, pinapatigil. I looked at her, confused.

"Ang. . . ang bill, saan tayo kukuha ng pambayad?" halos maiyak na niyang sabi. "Hindi makakagpagdala ang mg ate mo. Naubos na daw ang ipon nila pati ang sweldo nila sa susunod na buwan. Hindi na daw sila makabale."

Huminga ako. "Ako na ang bahala dun, 'Nay. 'Wag kang mag-alala. Bibili din ako ng gamot ni Tatay mamaya."

As if she was relieved, her face brightened. "Talaga? Saan ka kukuha ng pera? Wala na tayong pera, Anak."

Nginitian ko siya. "Ako na ang bahala dun, 'Nay, 'wag kang mag-alala."

Umalis ako ng bahay na medyo mabigat ang loob. I don't have any money with me. Bukod sa pamasahe, wala na akong dalang pera. Saan ako kukuha ng pambili ng gamot? Hindi ko naman pwedeng dismayahin si Nanay. Mamomroblema iyon. Hindi pwede.

Buong biyahe, iyon ang nasa isip ko. Bumisita ako kay kuya at naabutan ko siyang gising dun. I was very much thankful that he's been doing well. Medyo maayos na din ang kaliwa niyang paa. Nawawala na din ang ilang mga galos niya kaya kahit siguro umuwi siya ngayon, hindi na magtataka si Tatay.

"Ayos na ako, 'wag kang mag-alala."

Those words, his assurance made me at ease. At last, he's really okay.

Hindi ako nagtagal dun. Nung nakatulog siya at agad akong umalis. It wasn't that long until I arrived to the fast food chain I saw yesterday with the hiring signage.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now