VI

9 5 0
                                    

CHAPTER SIX

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

CHAPTER SIX

"Min, anong isusuot mo bukas?"

Sa ikalimang pagkakataon, napairap ako sa hangin. Napabuga ako ng malalim na hininga saka sinandal ang likod sa pader.

Binalingan ko ng tingin si Nanay. Nasa damitan ko at abala sa pagkakalikot dun. Naghahanap ng damit ko.

"Nay, kahit yata 'yang short na hanggang tuhod at jersey ang isuot ko bukas, mukhang ayos lang," sabi ko.

Napatingin ako sa gilid nang makaramdam ako ng parang malambot na lumapat sa braso ko. Napangiti ng makita dun ang maliit na kulay dilaw naming pusa. Si Minggay.

Kinuha ko siya saka nilagay sa may tiyan ko. Marahan kong hinahaplos ang balihibo niya habang nakangiti pa rin.

"Diyos ko naman, Jasmin. Party niyo bukas tapos 'yon ang isusuot mo?" Tumingin siya sa akin na para bang taga-ibang planita ako. "Mas mabuti pang dito ka na lang."

Nagkibit-balikat lang ako at tumawa sa reaksiyon niya. Bakit? Ano bang dapat ba suotin bukas? Gown? Dress? Jusko. Kung ganiyan lang rin mas mabuting dito na lang talaga ako. Ako sa mga ganun. Sinusumpa ko ang mga ganung klaseng damit. Masyadong babae.

"Mas mabuti pa nga, Nay," pang-aasar na sagot ko.

Alam ko kasing hindi naman niya tototohanin iyon. Hanggang banta lang. Siya pa nga itong excited e. Akala mo naman siya iyong a-attend.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mukhang problemado yata sa akin. Sekreto na lang akong napahagikgik. Pinagpatuloy ko ang paghaplos sa pusa.

"Hanapan kita ng dress sa damitan ng ate mo. 'Yon ang isuot mo bukas."

Napapantastikuhan akong nag-angat ng tingin kay Nanay. Halos lumuwa ang mata ko. Nagsitaasan yata lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi niya. Nakapanindig balahibo.

"Nay, sinasabi ko, maling desisyon ang gagawin mong 'yan. Hindi maganda ang ipilit mo sa akin 'yang mga dress ni ate," reklamo kong nakangiwi. "Magje-jersey ako bukas. Tingnan mo."

Hindi na nakapagtalo sa akin si Nanay. Ilang minutong pilitan pa ang nangyari pero dahil yata sa tigas ng ulo, sumakit din ang ulo niya. Nakonsensiya naman ako dun pero wala e, ayoko talagang magsuot ng dress. Bahala kayo.

Sa huli, pinili ko ang isang black rip jeans na nung nakaraang buwan lang binili. Tenernuhan ko iyon ng simpleng stripe white and blue shirt. Nag-white rubber shoes lang rin ako. Nilugay ang basang buhok. Naglagay ng kunting pulbos at nagnakaw ng pabango ni kuya. Mas mabango iyon kesa iyong kina ate. Tapos. . . the end. Tapos na. Ready to go.

"Min, dala ka ng BH, huh?" bilin ng isa kong kuya pagkatapos kong magbihis at handa ng umalis. Tinataas baba pa niya ang dalawang kilay at nakangisi pa. Napaismid naman ako dun.

"Ewan ko lang, kuya," simple kong sagot.

"Ang damot naman, Min." Tumawa na lang ako.

Nakita ko si Minggay sa may lamesa kaya kinuha ko at kinarga. Dinuyan diyan ko na parang bata.

To Forget (Destined Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें