IX

14 5 0
                                    

CHAPTER NINE

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

CHAPTER NINE

Wink

"Tara sa court!"

'Yan ang agad na narinig kong sinabi ng mga kaibigan ko pagkalabas namin ng gate ng school. Dala-dala namin ang kaniya kaniyang mga bag at parang mga lantang gulay dahil sa pagod.

Ganun pala 'yon, noh? Kahit may apat na choices na nga ang binigay sa amin para pagpilian, ang hirap pa rin. Parang mas humirap siya kumpara sa walang choices na exam- char! Mas mabuti na pala 'yon, 'yong at least nagbigay ng choices kada-item kesa wala.

Pambihira kasing exam 'yon, nakakawala ng katinuan. Ang hirap! Ibang klase.

"Grebe, akala ko ba mag-i-ice cream tayo?" parang nagmamaktol na sabi ni Sandy. Napatayo pa mula sa kanina niyang tahimik na pagkakaupo.

Umismid sa kaniya ang katabi niyang si Rowie. "Hiindi naman kasi sinabing hindi tayo mag-i-ice cream, 'di ba? Ang sabi pupunta lang tayo ng court. Pwede naman tayong bumili dun, eh," parang nagpapaliwag na ewan si Rowilyn, nakangiwi na ngayon. "Aguy, Sandy Jane. Ewan ko na lang."

Naglakad ako papalapit kay Chazel nung nakitang nasa isang tabi siya at nakaupo.

"Share tayo, Basi," aniya nang nakangiti.

Umupo ako sa tabi niya at komportableng hinilig ang ulo sa kaniyang balikat. Chazel and I became close unexpectedly. Naging malapit kami sa isa't-isa nang hindi man lang namin namamalayan. We started at the smiling stage wherein we only used to smile into each other everytime we met but now, even when we just leave each other for a moment, when we come back, a hug will always be there.

Parang nakasanayan ko na kaya ayan, hinahanap-hanap ko.

Ngayon na matatapos na kami sa grade 8, parang natakot ako bigla. Natatakot ako na baka lahat ng meron ako ngayon ay mawala sa susunod. Like, pa'no kung hindi ko na maging kaklase ang mga kaibigan ko, ang mangyayari? Hindi ba na nila ako papansinin dahil may bago na silang kaibigan? Pa'no kung nahihirapan ako, sinong tutulong sa 'kin? Masaya ba sa grade 9?

Iyong mga ganung tanong ang palaging nagpapabalik-balik sa isipan ko. Hindi ko naman mahanapan ng sagot dahil wala pa ako sa sitwasyon. Siguro kapag nandun na malalaman ko na lahat. Pero sa ngayon, parang ayaw ko pa. Gusto ko pa ang mga nangyayari sa akin kaya natatakot ako na harapin ang susunod.

"Kita mo 'yan, Sandy, pati best friend mo hindi ka maintindahan. Isang malaking sampal 'yon."

Nag-angat ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Akala ko ba masakit ang tiyan niya?

"Putangina mo ka, Henrick Yu," gigil na sabi ng kaibigan ko.

When everybody laugh, that's the moment I felt my phone from the pocket of my jeans vibrated. Kunot noo ko itong kinuha at nagtataka kung sinong ingkanto ang nag-text sa akin.

To Forget (Destined Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα