XXXV

11 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Prayer

"Your boyfriend didn't teach you some right manners, huh. 'Yan ba ang natututunan mo sa kaniya? If yes, why don't you go back to me? I'm a good teacher, you know. I can teach you some good manners that he can't."

Nanlaki ang mata ko sa mga salitang narinig sa kaniya. My eyes widened a bit because of disbelief.

Did Henrick Yu say those words? Jusko, parang hindi ako makapaniwala!

Tinitigan ko siya. Seryuso pa rin ang mukha niya, mariin pa ang matang pinupukol sa akin. In the end, I looked away and shook my head. I even laughed without humor.

"Hilig mo na palang mag-joke ngayon," may pait ang boses kong sabi, natatawa. "Isa pa nga."

The moment I say that, I glance at his side. Ang kaninang seryusong mukha ay biglang nalukot, parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

My brows raised up, plastering a small smirk. With my reaction, he immediately looked away. Nakita ko ang pasimple niyang paglunok. Hindi niya na sinubukan pang magsalita pagkatapos ng sinabi ko.

We remained quiet. Staring at the blue sea, I can't feel the calmness of my heart. For goodness sake, it's beating so fucking fast! Anong nangyayari sa 'kin? Hindi naman ganito 'to kanina, ah, pero ngayon wagas kung makatibok.

"You're cold," he stated.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. What would I say, right? Hindi naman siya nagtatanong o ano kaya wala akong dapat na sagutin.

After some minutes, he ended up heaving
a deep sigh. "How are you?"

That question came from his mouth. Gulat ko siyang nilingon pero parang ganun din siya. I blink my eyes. He immediately looked away and swallowed hard. Nakatingin na siya sa harapan pero nakatitig pa rin ako sa kaniya ngayon, hindi inaasahan ang bigla niyang pagtatanong.

He cleared his throat. "I mean, for more than five years abroad, how was your life? Matagal din 'yon," he said and even chuckled a bit.

Hindi ko alam pero parang biglang nagbara ang lalamunan ko. Parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko dahil sa tanong niya.  Feeling my body tensing up, I looked away from him. Parang hindi ko kayang tumitig ng matagal sa kaniya. Parang kasalanan.

My heart became chaotic again. Hindi ko na sinubukang pakalmahin ito dahil ako lang din ang mahihirapan. I simply stared at the sea feeling the havoc in my chest.

Unconsciously, I didn't realize but I was waiting for that question. . . from him.

My friends already asked me the same question but my reaction with the way he asked me now is far different. Nung tinanong nila ako, ang saya sa pakiramdam. Kinuwento ko lahat pero bakit ngayon siya na ang nagtanong, iba?

Ilang minuto akong natahimik bago siya naisipang sagutin.

"I'm. . . I'm actually fine," I smiled. "Masaya naman abroad kasi 'yon din naman ang pangarap ko, eh. I earn a lot and because of that I was able to help my family."

On my peripheral vision, I saw him slowly nodding his head.

"Did you. . ." Lumunok siya, "Did you enjoy it there?" he asked once more.

My heart throbbed. Binalingan ko siya at hindi na ako nagulat nung nagkatinginan kami. I smiled at him, nodding my head, I said. "Of course. . . I did, I enjoyed it."

He didn't flinch. His eyes remained on me. I saw how his jaw tightened a bit, seriously looking at me, I can clearly see how different emotions dance in his eyes.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now