XXVI

6 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Marry

"Hindi ka sasama sa kanila?"

Inangat ko ang tingin. Halos natawa nung masalubong ang nakasimangot na mukha ni Henrick habang nakatingin sa akin.

Umiling ako habang nangingiti. "Hindi talaga."

With that, he sighed in defeat. Umayos ng tayo saka nilapitan ang pwesto ko.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya nang natanong iyon. Siguro lagpas na sampung beses. He's persuading me to join a get together with our friends. It's only for the girls so he's not joining. Gusto niya akong sumama pero ang problema, ayoko. I still have a lot of things to do. Fourth year na ako at medyo hectic na ang mga gawain.

Hanggang sa umupo siya sa harapan, nakatitig lang ako.

He pouted. "Bakit kasi? Pwede namang bukas mo na 'yan gawin."

I laughed. Well, he's not really good at convincing people. Hindi siya pwedeng mag sale's talk.

Inabot ko ang kamay niya, nanglalambing.

"Kasi po, marami pa akong kailangang tapusin."

"Pwede naman kasing bukas na. . ."

I shook my head while chuckling. "Kasi nandito ka rin. Ayoko dun, wala ka. One more thing, the girls understand my situation. They know that I'm busy so it's really impossible for me to attend. I already chatted with Shanice and she said it's okay, so yeah, I'm good here."

Matiim ang titig niya sa akin. Nagtagal ng ilang minuto hanggang sa sumusuko siyang bumuga ng hangin.

"Okay, if that's what you want," he said before standing up. "Magluluto lang ako."

Bago pa man siya tuluyang umalis, hinalikan niya muna ako sa noo at pisnge. I smiled. That simple gesture of him still makes me blush, goodness!

I remembered, since that argument happened to us last year, it never happened again. Tinupad niya ang sinabi niya. He changed himself, not for me, but for him to be a better version.

I admire him for that. He's actually strong for making it possible.

Kung maalaga siya noon, mas naging maalaga siya ngayon. Parang 'yong dati niyang ginagawa at dumoble pa sa ginagawa niya ngayon. Mas duble na ang effort niya para sa relasyon namin. Nagtutulungan na din kami sa lahat ng bagay. And just like what we usually do, we communicate because we know, communication will be the best for our relationship to work.

Naniniwala din kasi ako na ang dahilan ng away namin noon ay ang kakulangan namin ng komunikasyon. We are in a relationship but that time, we almost forget to communicate our feelings. And it's a lesson learned.

We are both fourth year students now, graduating to be exact. Kunting tiis na lang at haharap na kami sa mas mahirap na mundo. But well, we can make it together.

And yeah, we decided to live together. Hindi ko alam kung live-in ang tawag sa amin pero nagdesisyon kaming isa na lang ang titirhan. Bukod sa nahihirapan akong bayaran ng buo ang apartment, medyo hassle din kay Henrick ang bumiyahe. Kaya ayun, napagdesisyonan namin dito na sa apartment ko total malapit sa school at mas convenient. At katulad ng napag-usapan, hati kami sa lahat ng bayaran.

Ayaw pa sana nun ng mga magulang ko kasi hindi magandang tingnan pero nagtiwala sila sa amin. We promised them that we're not going to go beyond our limits. We know our boundary and we will not cross it until it's the right time already.

And yes, we are fulfilling that promise.

My apartment has only one room and I'm using it. And Henrick on the other hand, is sleeping in the living area. Hindi naman masikip dun kaya ayos lang. We just bought some comfortable mattresses so he could sleep without feeling any pain once we woke up.

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now