Chapter 3 - Minor Sprain

31 1 0
                                    

"For your performance task in PE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"For your performance task in PE. You're going to jag in the gym 10 times. I will give you 5 minutes to change your clothes into PE uniforms, See you in a bit"

Yun lang ang sinabi ni Ma'am at umalis na agad siya. Maririnig agad ang mga reklamo ng kaklase ko, hindi ko naman masisisi sila dahil sobrang nakakapagod naman talaga ang PE class.

Sabay kaming lumabas ni Kobe sa room, iniiwasan ko talagang mag cross ang landas namin ni Blake baka kung ano na naman ang gagawin niya.

Feeling ko nga may pinaplano na siya eh.

"Hintayin nalang kita dito" Sabi ni Kobe tumango ako at pumasok na sa girls changing area.

Habang nagbibihis nakarinig ako ng mga babaeng nag chichismisan. And surprisingly, ako ang pina-uusapan nila.

"ang lakas ng loob niya"

"Oo nga, may kakampi kasi siya eh"

"Sana magkaroon rin ako ng lakas ng loob gaya ni Wendi, matagal na akong galit dyan kay Blake. Napagtripan kasi ako nyan once, nung time na nalaman niyang may gusto ako sa pinsan niya"

"Seryoso may gusto ka kay Carlos?"

"Oo pero matagal na yun, tara na"

Ilang segundo pa ang lumipas ay hindi ko na sila narinig pa kaya lumabas na ako.

Nakakagaan ng loob makarinig ng ibang babaeng galit rin sa mga pinag-gagawa ni Blake.

Paglabas ko ng changing area ay bihis na rin si Kobe sa kanyang PE uniform. Napaka linis niyang tignan sa totoo lang. He fix his eye glasses before smiling at me.

"Lampas 5 minutes na, bilisan natin" I said.

Nang makarating kami sa gym ay naka pwesto na sila sa linya. Separate ang lalake at babae. Dahil huli na kaming dumating ay nasa likod na ako.

And what worse. Katabi ko si Blake.

He looked at me and smirked. Wala akong naging reaksyon, ang yabang niya.

May nag lead ng warm up at nagpatugtog rin ng music si Ma'am para daw ganahan kaming kumilos.

After the 2 minutes warm up, we started to jag. Nakakainis lang dahil kasabay ko pa talaga si Blake.

"Faster!" Sigaw ni Ma'am. Ang bagal kasi ng mga nauna sa akin.

Buti nalang at binilisan nila ng kunti. Pagod na pagod na ako, at malakas na rin ang tibok ng puso ko. Ito talaga ang ayoko sa PE!

Last jag na ng masubsob ako. Mabilis ang pangyayari. Na out of balance ang sa unahan at nadamay ang mga nasa likod.

Na upuan pa ng kaklase ko ang paa ko kay napadaing ako sa sakit. Ang bigat kaya niya!

"Mag dahan-dahan kasi kayo!"

Okay, so ano ba talaga Ma'am.

"Are you guys okay?" Lumapit si Ma'am sa amin. Nagsitayuan na ang iba kaya tumayo na rin ako at nakaramdam ako ng matinding sakit sa paa ko.

Wendi Where stories live. Discover now