Chapter 8 - Doubt

23 2 0
                                    

“Can I invite you over my house?”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


“Can I invite you over my house?”

We're doing our activity inside the library, seryoso ako sa pag-susulat nang magsalita si Kobe. Umangat ang tingin ko sa kanya.

“Ayoko nahihiya ako sa parents mo” Deretsahang sabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat.

“I don't have parents...I live alone” Natigilan ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pero gusto kong malaman kung bakit.

“Pwede mo namang di to sagutin ha? Pero...nasan sila?” Wala akong nakikitang kahit na lungkot sa mga mata niya. I don't know what happened yet kaya dapat hindi ko siya husgahan.

“They abandoned me” He simply said.

Mukhang hindi naman siya offended sa tanong ko pero tinigil ko na rim ang thoughts na tanungin siya baka kasi makulitan siya sakin.

Ilang minuto akong nanahimik nang bigla siyang magsalita.

“So Are you in?” I smiled bitterly.

“Mamayang 6 pa ako makakauwi, One month akong maglilinis sa cafeteria eh” Bahagyang nanlaki ang mata niya.

“Ikaw lang mag-isa?” Umiling ako, hinintay niya akong magsalita.

“Kasama ko si...Blake” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“Hihintayin kita, I'll help you” I smiled at him.

“Thank you pero okay lang ba sayo? Baka ma bored ka lang” Ngumiti siya at tumingin sa akin.

“Pa‘no ako ma bo-bored eh kasama naman kita” My heart skip a beat, bakit ba bigla-bigla nalang siyang magsasabi ng ganun?!

“Che! Mag sulat ka na nga, malapit na ang next sub natin” I said at hindi na siya tinignan pa baka ma distract lang ako sa mga tingin niya.

After a few hours natapos na rin ang klase. Tinupad nga ni Kobe ang sinabi niya na tulungan akong maglinis dito sa cafeteria. Now I found myself in between him and Blake.

I can see how tense their aura is. Parang may tinatagong galit sa isa’t-isa.

Naglilinis ako sa mga mesa, Si Kobe ang nag ma-map habang si Blake naman...I don't really know what his doing. Hindi ko alam kung naglilinis ba siya sa bintana o naglalaro.

“It‘s getting darker. Tara na” Aya ni Kobe nang matapos kami sa paglilinis.

“Arn’t you going to throw the garbage?” Masungit na saad ni Blake.

Bumuntong hininga ako at muling inilapag ang bag ko ngunit pinigilan ako ni Kobe.

“Ako na, Stay here” Usal niya at kinuha ang mga trash can. Ngayon, kami nalang dalawa ni Blake ang andito sa cafeteria.

Wendi Where stories live. Discover now