Chapter 24 - Group Project

12 3 0
                                    

Wendi's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Wendi's Point of View

"Anong oras ka uuwi? Ipapasundo kita sa papa mo" Habang nag bibihis ako ay pumasok si Mama sa kwarto.

Nagmadali akong isuot ang sapatos ko.

"Wag na po ma, baka makisabay nalang ako sa kaklase ko" Sagot ko naman. Tumango siya at umalis na.

11 AM ang napag usapan namin ni Blake kaya 10:30 palang nasa meeting place na ako. Hindi naman siguro halatang excited ako 'no?

Tsaka mas prefer ko rin na ako yung mauna keysa siya. Group project ang palusot ko sana lang ay walang makakita sa aming kapit bahay kundi lagot talaga ako nito.

I ordered a drink habang naghihingay kay Blake. Ako ang first costumer kaya medyo kinakabahan rin ako, dati ayaw na ayaw ko sa mga mataong lugar ngayon na hindi pa nakikita si Kobe ay hindi na ako mapanatag kapag wala akong kasama.

Maya-maya pa ay may drink na inilapag sa mesa ko.

"Here's your order Ma'am" Bigla akong natigilan, hindi ako maka galaw at hindi rin ako makalingon sa lalakeng nagsalita.

Unti-unting tumulo ang luha ko, hindi ko alam ang gagawin. Ayokong maulit muli ang nangyari. Pero pakiramdam ko narinig ko siyang muli.

"Ma'am? Okay lang po ba kayo?" Hinawakan niya ako sa balikat dahilan para mapatayo ako at mapa atras. I didn't look up. I was too scared.

Nagulat nalang ako ng may lalakeng sumuntok sa kanya. Kaya nang iangat ko ang tingin ko.

Nakatingin na sa akin si Blake na nag-aalala. Nanginginig ang kamay ko sa takot.

"Are you okay? Anong ginawa ng lalakeng to sayo?" Bakas sa mga mata ni Blake ang galit at pag-aalala.

Tinignan ko ang lalake at hindi ako makapaniwala sa nakita. Napapikit ako at bumuntong hininga.

"Blake, akala ko si...Kobe" Naiiyak na sabi ko. I swear, they have the same voice.

Napatingin rin si Blake sa lalake. Nakasalubong na ang kilay ng lalake, galit ito sa amin.

"I'm sorry, akala ko kasi-

"Kobe? Kobe Miller?" Tanong ng lalake. Pinunasan niya ang kunting dugo sa gilid ng labi niya.

Tumango ako.

"Gag*ng lalakeng yun, hanggang dito ba naman. Kapatid ko siya sa ama, ako si Kevin" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ikaw yung kapatid niya?" Gulat na tanong ko.

"Kakasabi ko lang diba?" He sarcastically said.

"Sorry talaga akala ko si Kobe, magka boses kasi kayo" sabi ko.

"Kanina ka pa sorry ng sorry ah" Usal niya.

Hindi na ako umimik pa. Si Blake ang nakipag usap sa kanya at humingi ng paumanhin.

Wendi Where stories live. Discover now