Chapter 30 - Alistair

7 2 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo matapos ang araw na yun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumipas ang ilang linggo matapos ang araw na yun. Abala ang lahat sa paghahabol ng mga late projects nila dahil graduation na.

Luckily nakakuha kami ng malaking grade dahil sa presentation namin. Marami ang na tuwa at maganda daw ang partnership namin sa pag present. I'm happy na nagustuhan nila, akala ko kasi walang makikinig.

"May napansin akong lalake, laging naka tingin sayo" Inangatan ko ng tingin si Alexa. Simula nung araw ng Birthday ni Meilin ay palagi ko na silang kasama. Finally, I have a group of friends.

Pinilit kong e alis ang nasa isipan ko.

"Huh? Sino?" Tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi ko kilala eh, hindi naman taga dito" Sagot niya naman. Umayos siya ng upo ng makitang paparating sina Carlos.

"Sigurado kang ako yung tinitignan? Baka ikaw yun" Pabiro kong sabi. I want to remove that thoughts.

Totoong may lalakeng laging nakatingin sa akin. Hindi naman lingid sa kaalaman ko yun.

It's creepy and scary, lalo na at hindi ko nakikita ang mukha nito. Para ngang si Kobe eh pero hanggat hindi ko nalalaman ang result kung sino ang taong nakuha nila ay hindi ako maniniwalang si Kobe ang nagmamasid sa akin.

Hindi ko rin sinasabi kay Blake na may lalakeng nagmamasid sa amin ayokong maging OA na naman siya kahit na pansin kong may kutob na siya.

"Practice daw" Sambit ni Daniel ng makarating sila sa harap namin.

"Teka lang, Kakapahinga lang namin eh" Sagot naman ni Alexa ngunit inirapan lang siya ni Daniel.

Tumayo na ako at sumunod naman agad si Alexa na alam kong badtrip na. Lagi kasi silang nag-aaway ni Daniel, Palagi na nga naming inaasar ang dalawa pero sabi nila ay hindi sila naniniwalang the more you hate the more you love.

Nang makarating sa court ay marami ng tao. Sa susunod na linggo na ang graduation, hindi ko maipaliwanag ang saya dahil makaka graduate na kami but somehow sad dahil ang ikli lang ng panahon na nagkasama kami nina Thia. Nakakatawa talagang isipin na dati at binubully ako ng tatlo pero ngayon halos hindi na nila ako binibigyan ng time mag-isa.

"I'll drive you home" Blake mouthed. Tapos na ang practice nandito kami ngayon sa room inaayos ang mga gamit namin.

"Okay" Sang ayon ko. I'll take this as an advantage dahil ayokong ma encounter na naman ang mesteryosong lalake, natatakot ako sa kanya.

Pansin ko lang hindi ako kinakausap ni Blake ngayon, na sa twing hinahatid niya ako ay walang mapaglagyan ang ka daldalan niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.

He gave me a side glance.

"The results came out" Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundo ang naging katahimikan bago siya nagsalitang muli.
"Alistair is Dead"

Wendi Where stories live. Discover now