Chapter 39 - Missing you

5 1 0
                                    

Blake

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Blake

“Blake, nagugutom na ako maawa ka naman. Halos tatlong oras na tayong naka upo ang sakit sakit na ng pwetan ko” Reklamo ni Carlos. Nasa front seat siya naka upo, kanina pa rin siya nag re reklamo. Sana ay sa back seat ko nalang siya pina upo o di kaya’y nag dala siya ng sariling kotse. Nagtitipid na naman ng gas.

“Dinaig mo pa ang babae sa reklamo mo”  Sagot ko sa kanya. Gabi na rin kasi at hindi pa kami nag di dinner pero kahit anong gutom hindi ko maramdaman.

“May malapit na restaurant dito Sir, 10 minutes away lang” Nang magsalita si Harvey ay alam ko ng kailangan muna naming kumain.

---

“Ikaw na muna mag bayad Blake, naiwan ko sa kotse yung wallet ko” Palusot agad ni Carlos ng malapit na kami matapos kumain.

Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yung pagiging kuripot ng taong ‘to.

Matapos kong bayaran ang bill ay lumabas na agad ako upang ipa andar ang kotse.

Naghihintay na ako sa dalawa na lumabas nang mamataan ko si Harvey na problemado ang mukha at naka kamot pa ang kamay sa ulo.

He wasn't looking at me siguro ay hindi niya pa napapansin na nakatingin ako sa kanya.

He fixed his emotions and walked towards me. Ibinaba ko ang bintana upang tanungin siya.

“Anong problema?” Tanong ko agad. Muli siyang napakamot sa ulo.

“Sir, Si Sir Carlos po kasi. Nag na number 2” Napapikit ako sa inis.

Bakit naman kasi ngayon pa niya naisipang tumae? Maling mali talaga na sinama ko pa to.

Ilang minuto rin kaming naghintay. Naiinip na nga ako. I wanted to go as fast as I can but how can I do if my companions were slow as a snail.

Pero sila rin naman ang nakakuha ng impormasyon na to, so I'll consider it.

“Ilang araw mo bang di nailabas ang sama ng loob mo? We're running out of time Carlos! Napaka unprofessional mo” Inis na sermon ko sa kanya.

“Bro, walang professional professional sa tumatae. Respeto naman”

Mabilis siyang sumakay sa kotse kaya dali dali ko itong pina harurot, hindi pa siya nakaka seat belt kaya muntikan na siyang masubsob at binigyan ako ng masamang tingin.

“What the hell” Wala sa sariling sabi niya.

---

Ilang oras ang lumipas ay sa wakas at nakarating na kami.

“That’s his house?” Tanong ni Carlos. Parang kanina pa ito naiinip pero mas naiinip na ako.

“Nakapatay lahat ng ilaw” Komento ko. Malaki ang bahay nila kasing laki lang rin nung samin ngunit madilim at wala kaming maaninag sa loob.

Late night na at wala rin kaming makitang tao sa paligid.

“Yeah, good sign and bad sign na baka nasa loob pa sila o wala na” Harvey added. Akmang papasok na si Carlos sa loob ng pigilan ko siya.

“Oh bat mo ko pinipigilan akala ko ba atat na atat ka ng makita siya?” Sinamaan ko ng tingin si Carlos.

“Gusto mo bang mamatay ng mas maaga?”

“Anong maaga e gabi ngayon eh” Pilosopo talaga.

“What if there's a trap inside, let's wait for the sun. Para naman maliwanag. For now mag manman muna tayo at magbantay” Sagot ko. Sumang ayon naman ang dalawa.

Mas mabuting dito muna kami baka nag-aabang sa loob si Kobe at may pinaplano na.

Inaantok na ako nasa kotse lang kaming tatlo. Si Carlos expected ko ng matutulog siya but surprisingly nasa labas ng kotse siya nag mumuni muni.

May kung anong tinitignan sa cellphone niya. Si Harvey naman, siya ang tulog na tulog.

---

Nagising ako ng makarinig ako ng sunod sunod na katok. Muntik na akong mapasigaw ng bumungad sa bintana si Harvey.

Pansin kong muntik na rin siyang matawa.

Pumasoks siya sa loob at umupo sa frontseat. Ni hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pero inaantok pa rin ako.

“Carlos” Ginising ko si Carlos na ngayoy solong solo ang back seat.

“Nag tanong tanong na ako sa labas” Panimula ni Harvey. I waited for him to say some good news but base on his reaction I think I failed again.
“Ang sabi nung nakakita, marami silang bitbit na gamit ng lumabas. I think they escaped” Nanlumo ako dahil sa narinig.

Nahampas ko ang manobela dahil sa inis at galit.

“Woah, what's happening?” Gulat na tanong ni Carlos. But I didn't bother to say single word.

“Bumalik na tayo sa city baka nagising na ang huling pag-asa mo” Sambit ni Harvey.

“Thia” wala sa sariling sabi ko.

Pinagmasdan kong muli ang bahay nila.

Makikita rin kitang muli Wendi. I'll promise to save you.

Nakabalik rin kami agad sa kanya kanya naming bahay. Hindi na kami humihinto upang kumain, hindi rin naman sila nagsasabi. Siguro ay alam nilang badtrip ako.

Pumasok ako sa bahay matapos ma e park ang sasakyan, bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mommy.

“Where have you been? Hindi ka umuwi kagabi”

“May ginawa lang ako Mom” Sagot ko, ngunit hindi nag bago ang reaksyon niya.

“Anak, hindi ka nag-iisa. We're going to help para mahanap na si Wendi. Wendi is part of our family too so we're trying our very best to find her no matter what” My heart warmed.

“Thanks Mom” Nagyakapan kaming dalawa.

Matapos ang ilang sigundong pagyakap sa kumalas na kami sa isat-isa.

Umakyat na rin ako sa itaas upang makapag bihis at maligo. Nang bumaba ako ay nakita ko agad si Dad and Mom na nag-uusap.

Nakuha ko agad ang atensyon nila.

“Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Dad.

“May bibisitahin lang sa ospital” Sagot ko. I heard my mom sighed.

“Kumain ka muna, kung ayaw mong ikaw ang bibisitahin sa susunod”

“Mom, I'm not hungry. Mabilis lang to babalik agad ako”

“I have the keys” Itinaas ni Dad sa ere ang mga susi ng kotse.
“If you want this then eat first”

Wala akong nagawa dahil hindi rin naman ako makakaalis kung walang susi. Pinilit ko ang sarili kong kumain at ng matikman ko ang pagkain ay bigla akong nakaramdam ng matinding gutom.

Napapabayaan ko na ang sarili ko. I badly want to see her. I badly want to find her.

Her name. Is like poison to my mind. It's keep appearing. I keep on remembering her name.

I keep on thinking about her. Remembering her smiles, laugh, and care.

I love her so much that I will do everything just to find her. Kahit saang bansa pa siya dalhin ay hahanap hanapin ko siya.

I will find her at all cost.

To be Continue...

Wendi Where stories live. Discover now