Chapter 4 - Who cares?

32 2 0
                                    


“ano ba kasing pinag-gagagawa mo dun at nag ka ganyan yang paa mo?” Sermon sa akin ni Mama, I was trying to hide the sprain but I couldn't.

“Nag P.E kasi kami Ma, aksidente lang naman yung nangyari” I reasoned out, naka upo lang ako sa upuan kaharap ang mesa. Gustuhin ko mang wag kumilos para mas mapadali ang pag-galing ko kaso ako nalang ang maasahan dito sa bahay. Madalas gabi na kasi umuwi ang kapatid ko.

“e pano yan ngayon? Hindi ka makakapasok?” Bumuntong hininga ako. I really wanted to rest. Just have my time to relax.

“Pwede naman po sabi ng nurse” I said. Matapos ang pag-uusap na yun ay hindi na nagsalita pa si Mama.

Matapos kung makapag handa ng haponan ay na una na akong kumain. Hihintayin pa raw nila si Ate.

Napabuntong hininga ako ng matapos ko ang palapag na akyatin. Ito ngayon ang struggle ko, ang pag akyat sa hagdan.

Nang matagumpay akong maka akyat ay humiga agad ako sa kama dahil sobrang napagod ako sa pag akyat. Pano ako bukas nito, wala akong saklay dahil hindi ko naman sinabi kay Mama na kakailanganin ko alam ko na kasi agad ang sasabihin niya.

Gaya nang sabi ng nurse ay nag lagay nga ako ng cold compress sa paa ko. Medyo masakit pa rin ito, sana nga at mabilis ang pag galing. Medyo mahirap pala magka ganito.

Kinabukasan, nasa labas na ako ng bahay namin nang makita ko ang isang kotse na naka parada sa tapat ng bahay namin.

Kumunot ang noo ko at siyang paglabas naman ni Kobe. Nanlaki agad ang mata ko, pano niya naman nalaman kung saan ako nakatira.

Tsaka may kotse siya? Ibig sabihin mayaman din siya.

Nakangiti niya akong sinalubong.

“Pasensya na hindi kita nasabihan, wala kasi akong number mo. Naisip ko sanang sunduin ka mukhang mahirap mag commute nang may sprain sa paa” Napa awang ang labi ko. Hindi kasi ako makapaniwala na pupunta siya dito tsaka hindi ako komportable dahil andito ang mga magulang ko baka kung ano pa ang isipin nila.

“Ah, tara na sa loob na tayo mag-usap” Sabi ko at nagmadaling lumapit sa sasakyan, he even helped me.

Sa kalagitnaan nang biyahe ay napatanong ako sa kanya.

“Pano mo pala nalaman ang bahay namin? Tsaka kaninong kotse ‘to?” I asked him. Nasa daan lang ang atensyon niya.

“Nag tanong-tanong ako, tsaka nasabi mo naman kasi sa akin di mo lang siguro maalala.” Usal niya kaya napatango-tango ako.
“Sa Daddy ko tong kotse hiniram ko lang”

“Ang yaman niyo pala no?” Tumawa siya.

“Hindi naman” Sambit pa niya.

Nakarating na kami sa parking lot nang school, first time kong makapunta rito, wala naman kasi akong kotse para e park dito.

“Wala kang saklay? Edi mahihirapan kang maglakad niyan”

“Okay lang Kobe, kaya ko naman” Sambit ko pa.

“I'll help you” Inalalayan niya akong tumayo.

Na e tatapak ko naman na ang paa ko sa sahig at natitiis ko na rin ang sakit kapag mag lalakad ako. Siguro mag e stay nalang ako sa room mamaya.

Nakarating na kami sa room at pansin ko agad ang matalas na tingin nang mga kaklase ko kaya agad ko nang binitawan si Kobe, basa ko na kasi agad ang isip ng mga ito.

“Pwede ka namang mag absent nalang Wendi” Sabi nang kaklase ko, mukhang naiirita siya sa presensya ko ah.

“May quiz daw ngayon eh” I reasoned out. Hindi na siya kumibo pa kaya umupo na ako sa upuan ko.

Wendi Where stories live. Discover now