Chapter 35 - Empty and Strange

11 2 0
                                    

“Blake”

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

“Blake”

“Blake!”

“Blake sandali lang, kausapin mo naman ako oh”

Hindi siya huminto. Mabilis at malaki ang bawat hakbang niya. Hindi talaga siya nagpapapigil.

Ang mabilis na lakad ko ay naging takbo na.

Ano, magiging ganito nalang siya lagi? He's turning his back on me? We're not gonna talk about the mistakes?

Masyado siyang mabilis kong mag react hindi man lang niya ako pinapakinggan mag paliwanag. Nobody did.

“Blake!” Muling tawag ko sa kanya, pa sakay na siya ng elevator kaya mas binilisan ko ang takbo ko nang makabunggo ako ng nurse.

“Sorry po!” Paghingi ko ng tawad. Hindi ko alintana ang sugat na nasa kamay ko gawa ng isang scalpel na nahulog. Tinulungan ko ang nurse na kunin ang kung ano anong nahulog sa sahig.
“Sorry ho talaga” I keep on apologizing. Lagi nalang akong nagkakamali, wala ng araw na gumawa ako ng mabuti. I keep on making troubles.

Hindi ko na alam kung nasaan si Blake. He probably on the elevator.
Sabay kaming tumayo ng nurse.

“Miss may sugat ka” He said. Kaya napatingin ako sa kamay ko na dumudugo, umiling lang ako at ngumiti.

“Okay lang po ako, hindi naman malalim to” I answered him.

He was about to hold my hand when someone grabbed it. Agad kong inangat ang tingin ko, his serious death stare met my sight.

“Blake...” Wala sa sariling sabi ko.

Hinila niya ako at pumasok kami sa elevator. He's not letting go of my hands. Mahigpit ang hawak niya dito.

Hindi ako umimik, I wanted him to talk first.

Pero nakalabas nalang kami sa elevator ay hindi pa rin siya nagsalita.
He talked when he asked someone to treat my wound.

Umupo ako sa hospital bed at hinayaan ang isang babaeng nurse na linisin ang sugat ko.

Matapos malinis ay mabilis akong tumayo at lumapit kay Blake. He emotionlessly glance at my wound.

“You are so careless...” Sambit nito at naglakad muli. Are we gonna keep on walking?

“Hindi mo ba ako papaliwanagin?” I asked softly.

“There’s no point. You don't trust me anyway.” Sagot nito. I sighed at pinantayan siya sa paglalakad.

“Blake, bumisita ako kay Kevin dahil sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya hindi ko nasabi sayo dahil ayokong mag-alala ka na naman”

He laughed sarcastically.

“Nagsinungaling ako Blake dahil ayokong mapahamak ka, ayokong may masaktan. Ngayon si Kevin na naman, sorry kasi feeling mo hindi ako nagtitiwala sayo. I am just scared to lose someone again” Huminto siya at humarap sa akin.

Wendi Место, где живут истории. Откройте их для себя