Chapter 41 - New

6 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


5 months later...

Wendi

"Salamat po pero okay lang po talaga ako, hindi ko naman po siya pwedeng iwan"

"Sigurado ka ha? Kung kailangan mo ng tulong kumatok ka lang sa pinto ko at agad kitang pagbubuksan"

"Salamat po La"

"Walang anuman, maganda kang bata sayang ang buhay mo kapag tambay kalang dyan kasama si Konor"

Mapait akong ngumiti nang pumasok sa loob. Napatitig ako sa natutulog na si Kobe.

Sa nagdaang buwan wala akong ginawa kundi maging sunod sunuran sa kanya.

Maraming tao ang sumubok na kausapin kami, ngunit hindi bukas si Kobe para doon.

Parang nakatira lang kami dito ng tahimik at ayaw ma istorbo.

Anong magagawa ko sa kanya? Hindi ko alam ang lugar na to, marami rin siyang mga mata sa paligid.

Parang habang buhay na ata akong ganito. It's been 5 months but it feels like forever.

Na mi miss ko na ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko. Na mi miss ko na siya.

Kamusta kaya sila?

Ang rami kong nasayang na panahon na sana ginamit ko upang mag-aral.

Dito nalang ba talaga ang buhay ko? Bakit ako pinapabayaan ng Diyos? Bakit hindi niya ako tinutulungan.

Kung nasaan man kami ngayon, siguradong malayo ito sa bahay namin. Baka nga, tumigil na ang mga pulis sa paghahanap sa akin.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip bigla kong naisip si Thia. Isa din siya sa mga nasaktan ni Kobe.

I saw how she collapse that time, sobrang lala ng sitwasyon niya. Panatag naman ang loob kong buhay at malakas siya pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya.

Naiintindihan ko na kung bakit kinailangan niya akong ibigay kay Kobe, Just like us takot din siya kay Kobe. Just like me, kinailangan niya ring sundin si Kobe.

"Saira!"

Bahagya akong nagulat sa sigaw na yun. Aside to our place, he also changed our name.

Takot talaga siyang may makakilala sa akin. Isla itong pinuntahan namin bakit praning na praning pa rin siya?

"Teka lang Kob-Konor" I said at nagmadaling bumababa upang puntahan siya.

Okay naman si Kobe, mabait pero minsan bigla bigla nalang nagagalit lalo na kapag may lumalapit sa aking ibang lalake.

Napakaseloso niya e hindi ko naman siya gusto.

"Bakit?"

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo" Nagtaka ako sa sinabi niya ngunit sinunod ko lang rin.

Wendi Where stories live. Discover now