Chapter 22 - Stuck with you

21 1 0
                                    

Wendi’s Point of View

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Wendi’s Point of View

“Anong sasabihin mo?” Tanong ko kay Blake. Hindi siya umimik kaya tinalikuran ko siya pero pinigilan niya agad ako.

Naiinip na ako. Gusto ko nang umuwi.

“You said you're going with us, bibisitahin ang parents ni Alistair” Sambit niya pero parang may gusto pa siyang sabihin eh.

Bigla ko namang naalala. Nahihiya man pero gusto ko talagang kausapin ang parents ni Alistair at least I can make them feel better by saying the words that Alistair said to me.

“Okay” Sambit ko. Sakto naman ang pagdating ni Carlos.

Nasa backseat ako ng kotse ni Carlos. Si Blake ang nag da-drive. Nakatingin lang ako sa bintana, na e enjoy ko kasing tignan ang paligid habang umaandar ang sasakyan.

Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Mayaman sila, at balita ko tatlo lang silang nakatira dito maliban sa mga maids.

“Good Afternoon po Tito,Tita” Bati ni Carlos sa kanila.

“Ah si Wendi nga po pala...kasama niya si Alistair na—

Tumango lang ang ginang tila bay alam niya na ang ibig sabihin nito. I politely greeted them.

“Good afternoom Ija, I'm Tita Jane and this is Alistair's Dad, Javier” Sambit nito.
“Nasan nga pala si Daniel?”

“Pinapagaling pa po niya ang sugat niya” Si Carlos ang sumagot.

Na upo kami sa sofa nila. Bakas sa mukha nila ang lungkot.

“Wala pa rin po bang balita tungkol kay Alistair?” Umiling lang ang Papa ni Alistair.

“They are still finding them...” Malungkot na saad ni Tita.

Tahimik lang ako pinapakinggan silang nag-uusap. Nahihiya talaga ako sa presensya nila.

Nagpaalam muna si Tito na may importanteng gagawin habang si Blake at Carlos naman pumunta sa kwarto ni Alistair. They gave us time to talk.

“Sinabi po sa akin ni Alistair...” Napalingon sa akin si Tita Jane.
“Masaya siyang nakilala niya kayo at naging magulang. Nagpapasalamat po siya sa inyong dalawa ni Tito dahil pinili niyo siyang ampunin” Mahinahing sabi ko.

“Alam namin ang lahat ng pinag-daanan ni Alistair, gusto lang namin iparamdam ulit sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang” Naiiyak na sagot ni Tita.

“Ramdam na ramdan niya po yun, mahal na mahal kayo ni Alistair Tita. Pinili niyang itago ang tungkol sa pagbabalik ni Kobe para protektahan kayo” I heard her sobbed.

“Sana ay ligtas siya ngayon” Umiiyak na sambit ni Tita.

I gave her a hug.

“Ligtas po siya. Magtiwala nalang po tayo sa Diyos at sa kakayahan niya” I uttered. Pinilit kong wag umiyak, nadadala ako sa lungkot ni Tita. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya at pangungulila kay Alistair.

Wendi जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें