Chapter 29 - The party

6 2 0
                                    

“Wendilyn Rios, what's your family's business?” Napalunok ako sa kaba dahil sa naging tanong ng Dad ni Blake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“Wendilyn Rios, what's your family's business?” Napalunok ako sa kaba dahil sa naging tanong ng Dad ni Blake.

“Dad!” Saway sa kanya ni Blake.

Nagulat naman ako ng biglang tumawa ng malakas yung Dad niya.

“Hon, you're scaring our future daughter in law” Natatawang sambit ng Mom niya. Bigla akong nahiya, akala ko ayaw nila sakin.

“I’m sorry, so we met already right?” Patanong na sabi ni Mr. Martinez.

“Ah yes po, sa orientation last month” Sagot ko naman. Nasa harap kami ng mesa katabi ko si Blake. Maraming masasarap na pagkain ang hinanda pero hindi ako maka focus sa pagkain.

“You can call us Tito and Tita” Sambit ni...Tita at nakangiti pa ito sa akin.

“Saan ka mag ca-college ija? Anong course kukunin mo?” Sunod-sunod na tanong ni Tito.

“Ah dyan lang din po, I'm planning to apply for scholarships Psychology po sana kukunin ko” Sagot ko, hindi ako makatingin sa kanila nakakailang. Tinititigan kasi nila ako.

“She wants Nursing pero wala ito sa—

Napahinto si Blake ng tapakan ko ang paa niya, mahina lang naman sapat na para tumigil siya. Nakakahiya, ano na naman kaya ang sasabihin niya.

“Oh so you're that girl na tinutukoy ni Blake, that's why Blake asked us to add a department” Sambit ni Tita, tinubuan na naman ako ng hiya. Feeling ko tingin nila sakin is mag te take advantage ako kay Blake.

“Sorry po, hindi naman na po yun importante. I'll stick on psychology po” I said. Napayuko ako.

“It’s okay Ija, it's great actually and it's important. Kasi it's someone's dream, kapag na aprobahan yun maraming estudyante ang matutuwa so we'll try and you don't have to be sorry. I know nahihiya ka pa samin but you're our son's girlfriend now so—

“Mom, I'm still courting her” Sabat naman ni Blake.

“Thank you po tita” I smiled at them.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, marami pang sinabi sina Tito at tita. Nilalaglag pa nga si Blake sa akin.

Habang tumatagal nagiging komportable na ako sa kanila, ang bait bait nila sakin.

Hindi naman talaga lahat ng mayayaman maarte o naghahanap ng ka level niya. Like Blake's parents, napaka bait.

Ilang oras rin kaming nag stay doon sa bahay nila hanggang sa sumapit ang hapon, kailangan ko nang umuwi upang magbihis para makapaghanda ako para sa birthday na pupuntahan ko.

Hindi ko pa alam kung saan, but Thia texted me the address.

“Hihintayin nalang kita dito” Sambit ni Blake nang huminto kami sa tapat ng bahay.

Wendi Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon