Prologue

17K 398 142
                                    

Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga.

Ang tagal ko na nagtiis. Ang tagal ko nagtiyaga. Hinabaan ko nang sobra-sobra ang pasensya ko. Ginawa ko ang lahat para pakisamahan ang ibang tao. Sinabi ko sa sarili ko, ayos lang na magngitngit ako sa inis, tutal hindi pa naman natatapakan ang pride ko. Pero ngayon, natapakan na.

Ayaw ko na talaga. Pagod na ako. Sawang-sawa na ako. Hindi na ako masaya.

Ayaw ko na talaga sa trabahong 'to.

Hinampas ko ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Napatigil ang department head namin na nanggagalaiti sa galit sa kinakaupuan niya. Nanahimik lahat ng mga tao sa meeting room. Ramdam ko na nasa akin ang mga mata nilang lahat.

"Excuse me ho," singhal ko. Kahit na nagpasantabi muna ako at gumamit pa ng 'ho', dinig pa rin sa boses ko ang pambabastos. "I want to show some respect hindi dahil karespeto-respeto ka pero dahil lang department head ka kaso hindi ko mapapalampas na sisisihin mo ako at pagmumukhain mo na ako ang mali sa harap ng maraming tao."

Nanlaki ang mga mata ng department head namin. Lalong namula ang buong mukha niya galit. Halatang hindi niya inaasahan na may tatabla sa masahol na ugali niya.

Our department head was the most toxic boss that anyone wouldn't wish to have. Bukod sa insensitive, ayaw niyang sinasabihan siya ng mali siya, at mahilig din siyang manisi ng iba. Hindi ko nga alam kung saan nakakuha ng kakupalan 'to, e,

I've been in this company for seven months. Tiniis ko ang ugali ng head namin at pinili kong manahimik dahil hindi naman nakakapangliit ng pagkatao ang ginagawa niya para sa akin. If anything, siya lang 'tong nagmumukhang tanga.

Kung inisan lang, mahaba sa mahaba ang pasensya ko pero sa oras na pride ko na ang naapakan, ibang usapan na.

Kaya nga hindi ko na napigilan ang sarili sa pagsagot ngayon. Ang hindot ba naman, nagawa akong sisihin sa harap ng buong team namin at ng top management—kabilang ang chairman na nanunuod ngayon, sa pagkakamali na dapat ay sa kanya.

"Hindi mo kasalanan, Claraval? Are you insinuating na ako ang may mali ganoon ba?"

"Hindi po ako nag-i-insinuate. Mali po talaga kayo. Yun po ang binigay niyo sa aking data para gawan ng analysis. Hindi mo pwedeng sabihing hindi dahil nasa email 'yon. Pagkabigay mo sa akin ng load na 'yan, sinabihan kita na mali ang data mo pero pinilit mo na tama ka kasi diba ayaw mong sinasabihan na mali ka?"

"Epiphany, kalma ka lang," bulong ni JD sa tabi ko, isa sa mga katrabaho ko.

"Alam mo naman pala kung anong tama, bakit pinilit mo pa rin gawin ang binigay ko? Dapat nag-initiate ka."

"Tapos magagalit ka kasi hindi ka sinusunod. Malabo ka kausap, Sir. Walang nanalo sa'yo. Hindi pwedeng ikaw yung may mali."

"Hindi na maganda ang tono at pananalita mo, Epiphany," sabat ng isang senior namin na kala mo teacher's pet. Isa pa sa mga taong nasa listahan ng kinaiinisan ko sa opisina na 'to.

"Hindi rin naman po maganda ugali nitong head natin, bakit 'di niyo rin pagsabihan?"

"This isn't the right place for this. Let's all calm down," sabi ng isa mula sa upper management.

"You should learn how to respect. Head mo pa rin siya," sagot ulit nung senior.

"Yan? Head? Sabagay. Tama lang nga na Head kasi head lang naman meron siya. Walang utak. Siguro naubos dahil sayo. Sisip mo kasi."

"That's it! I'm gonna file a petition to fire you!" sumigaw ang head namin na si Reynante.

"Hindi ko na kailangan." Aroganteng tumayo ako. "I quit. Effective today."

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon