Chapter Seventeen

3.8K 169 74
                                    

2022

Dear Epiphany,

Thank you for your interest in the Data Quality Manager role at RudiQ. After careful consideration, we regret to inform you that we have chosen another candidate for the role.

We appreciate your time and effort during the application process and wish you success in your job search. We'll keep your application on file for future opportunities.

Best regards,
HR Recruiter
RudiQ Inc.

I dropped my body on the sofa and let out a loud sigh. Binitawan ko ang phone para kumuha ng throw pillow at tinabon 'yon sa mukha ko para sumigaw.

I've been unemployed for two weeks and this is my fourth rejection out of twenty companies that I submitted my application to. Ang iba, walang sagot, ang karamihan—mababa ang sahod o 'di kaya hindi negotiable kaya hindi na ako tumutuloy.

Akala ko madali akong makakahanap ng trabaho dahil may work experience naman na ako at alam ko naman sa sarili ko na magaling ako, pero hindi pa rin pala. Marami pa rin na mas lamang ang work experience at mas magaling sa akin.

Gusto ko lang naman na fair market rate, good employee benefits, at hindi toxic na work environment—mali ba 'yon? Masyado ba akong choosy?

Konti na lang ay baka patulan ko na 'yung mga offer na kapareho lang ng naging sahod ko sa dating trabaho—kapag pangit ang company culture, pwede na siguro yung mas mababa.

Ilang buwan lang ang itatagal ng savings ko para buhayin ang sarili ko at para sa mga bayarin na tinatapos ko pa hanggang ngayon. Kailangan na kailangan ko na ng trabaho.

Aside from that, ayaw ko rin na magtagal pa rito sa condo ni Georgina. Especially not when I'm basically living under one roof with him.

Bakit kasi nandito pa rin siya hanggang ngayon? May bahay naman sila at ayon kay Georgina, may sarili na rin naman itong condo unit. Why the hell was he staying here at his cousin's unit when he has a place of his own?

Hindi naman na kami nagpapansinan katulad nung unang mga araw. Pagkatapos nung huling sticky notes niya tungkol sa curfew at pagbawal ng guest, wala naman na kaming naging bagong rule. I made sure to be careful para wala talaga siyang masabi.

Nitong nagdaang mga araw, halos hindi na kami halos nagkikita. That's probably because I mostly stayed out of his way. Our agreed times of the areas of the house helped, and after a few days of observation, alam ko na rin ang routine niya.

Lampas alas otso na talaga siya umuuwi dahil sa tuwing nasa kusina ako, hindi niya pa ako naabutan. Never ko rin siyang naabutan na umuwi kalagitnaan ng araw. I think he's working during the weekdays. Pagkaalis niya ng nine, gabi na siya bumabalik. Kaya malaya akong nakakatambay rito tulad ngayon.

My trail of thoughts were cut off when I heard someone trying to open the door. I stiffened when the door did open. Bumangon ako agad at nilingon ang entryway.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita na si Andres lang 'yon, but it was only short-lived, I stiffened again because I realized that it was Andres. Anong ginagawa niya rito ng ganitong oras?

Dere-deretso ang lakad niya at mukhang iritado. Tinapunan niya ako ng tingin pero hindi pinansin at tumuloy lang sa kwarto niya.

Maaga ba siyang umuwi ngayon at hindi na aalis? What am I going to do now? Magkukulong sa kwarto magdamag dahil nandiyan siya?

Rinig ko ang kaluskos mula sa living room. Kala mo may bagyo sa kwarto niya. May naririnig akong hinihagis. Nagdadabog ba siya?

Halos mapatalon ako nang bumukas ulit ang pinto at lumabas siya. Dumiretso siya sa pwesto ko at biglang lumuhod. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Akala ko ay magmamakaawa na siya sa akin o kung ano pero hinahalughog niya ang coffee table at pati ang nasa ilalim no'n.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon