Chapter Eight

4.4K 247 74
                                    

2013

"Tangina! Sa wakas tapos na midterm!" nagingiyak na sabi ni Celestia.

"Bibig mo," singhal ni Darius.

"Nakakabit," bara ni Celestia. Ngumiwi lang si Darius bilang sagot sa kanya. "Pero grabe. First year first sem pa lang pero parang gusto ko na sumuko."

"Sinabi mo pa. Sumakit ulo ko puro kami memorization," sabat ni Alon. Tumingin siya sa akin. "Buti pa kayo walang midterms."

"Mas okay na may midterms para madaling makabawi kapag may bagsak," pampalubag loob ko sa kanila.

Ngumuso si Alon. "Sabagay. May point ka."

May parte sa akin na natuwa nang marinig 'yon. Kung ibang tao ay hindi ko sasagutin 'yon dahil technically, wala namang tanong sa sinabi niya. Kung bagong kakilala ko lang sila, baka hindi ko rin alam ang sasabihin. Pero ngayon na komportable na ako sa kanila, natututo na ako kung paano sila pakisamahan at paano maging isang kaibigan.

Hindi ko inaasahan na mag-e-enjoy ako sa pagiging college pero masaya ako nitong mga nagdaang linggo. Siguro dahil sa bagong mga kaibigan na nakilala ko. Akala ko ay puro aral lang ang aatupagin ko pero nung makilala ko sila, medyo... naging excited na ako sa pagpasok araw-araw. Kahit na madalas, taga-obserba lang ako at taga-tawa. Kaya siguro masarap sa feeling kapag may naambag ako sa usapan tapos sumasang-ayon sila sa akin.

"Alisin niyo yung bag niyo," ani Saoirse at nilapag ang dalang tray sa ibabaw ng lamesa. May nakalagay na mga drinks doon. Sumunod naman agad sila Alon at Celestia at tinanggal ang mga gamit sa table. 

"Thanks, Mamsh," sabi ni Alon at kinuha ang sukli na nakalagay rin sa tray.

"Saan si Georgina?" tanong ni Saoirse nang mapansin na wala akong katabi.

"May gagawin lang daw sa labas," sagot ko.

"Oh. Okay." Tumango si Saoirse.

"Sha, may kilala kang Jeremy?" tanong ni Alon kaya naalis ang ate syon sa akin ni Saoirse.

Napakunot ang noo ni Saoirse. "Jeremy who?"

"Tourism din. Blockmate ko. Tinatanong ka sa akin, e."

Ginalaw niya ang bibig niya na. Naalala ko yung palabas na Bewitched dahil sa reaksyon niyang 'yon. "I don't remember."

"Marami ka kasi masyadong lalaki," pang-asar ni Celestia.

Totoo 'yon. Parang bawat magkikita kami, iba't ibang lalaki ang nababanggit nila. Hindi naman si Saoirse ang nagbabanggit. Sila Celestia at Alon ang madaldal.

Nawala ang atensyon ko sa usapan nila nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. Agad ko 'yon kinuha mula sa aking tote bag na nakasabit sa upuan.

Umangat ang kilay ko sa pagkabigla nang makita ang pangalan ni Andres. May pasok siya ngayon kaya bakit siya tumatawag?

"Hello," bati ko.

"Hey. Where are you?"

"Nasa Bully's. Bakit?"

"Wala yung prof. I'll go there now, alright?"

"Okay. Kasama ko sila Georgina."

"I know. See you in a bit."

"Bye," paalam ko at binaba ang tawag.

"Sino 'yon?" tanong ni Alon. Napatingin ako sa kanila at napansin na nakatingin na silang lahat sa akin.

"Si Andres," sagot ko at itinago ang phone sa bag ko. "Pupunta raw siya dito."

"Huh? Si Andres? Pinsan ni Georgina? Bakit naman siya pupunta dito?" gulong-gulo na tanong ni Celestia.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon