Chapter Fourteen

3K 173 92
                                    

2022

Hindi ko alam kung lumabas ulit si Andres sa kwarto niya kagabi. Binilisan kong kumain at maghugas ng sariling pinagkainan at matapos ay dumiretso na sa kwarto ni Georgina. Hindi na ako lumabas ulit pagkatapos no'n. Nanghiram na lang ako ng damit ni Georgina para ipantulog dahil nasa guest room ang mga gamit ko.

Kanina pa akong alas sais gising, alas siyete na ngayon. Kumakalam na ang sikmura ko pero nagdadalawang isip akong lumabas. Morning person din kasi si Andres at ayaw kong magkaabot ulit kami.

Nang hindi ko na makayanan ay dahan-dahan kong sinilip ang labas. Nakapatay ang mga ilaw at parang walang tao.

Tumayo ako sa tapat ng pinto ng guest room at nakiramdam. Wala akong naririnig na kahit ano, kahit kaluskos. Naghintay pa ko ng ilang minuto bago ako makuntento. Baka umalis na siya kagabi dahil hindi niya maatim na nasa paligid niya lang ako?

Mabuti naman kung ganoon. Huminga ako nang maluwag at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Kukunin ko lang ang gamit ko at ililipat sa kwarto ni Georgina. Malaki ang posibilidad na umalis si Andres pero mabuti na iyong handa ako kung sakaling magtagal siya rito.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita na walang tao sa kwarto. Baka nasa banyo siya? Maingat akong naglakad palapit ng banyo at hinintay kung may kaluskos akong maririnig. Para pa akong tanga na nakayuko sa gilid ng pinto. Ilang segundo ang nakalipas pero wala akong narinig.

Baka umalis na nga?

Umayos ako sa pagkakatayo at umismid. "Buti naman."

Malayo akong naglakad sa kwarto at hinanap ang mga dala kong gamit. Nasa tabi ito sa tabi ng cabinet at mukhang hindi naman nagalaw. Lumuhod ako para i-check ang mga zipper para makasigurado.

Biglang bumukas ang pinto at halos mapaupo ako sa gulat, "Ay, palaka!"

Natagpuan kong nakatayo ang pawis na pawis na si Andres sa pintuan at nakatitig sa akin. Nakita ko kung paano gumuhit ang iritasyon sa mukha niya bago niya pinutol ang distansya namin sa ilang padarag na hakbang.

"What are you doing in my room?" angil niya. Kung pupwede lang siyang bumuga ng apoy baka kanina pa ako nasunog.

Agad akong tumayo para magka-level kaming dalawa pero hindi ko pa rin mapigilan na manliit dahil sa height niya at sa lapit naming dalawa sa isa't-isa. Halos mabali na ang leeg ko sa pagtingala.

Kita ko ang iilang butil ng pawis sa gilid ng noo niya at mukhang bagong ligo ang buhok. Tingin ko ay dahil pa rin sa pawis. Itim na sleeveless shirt ang suot niya at gray na Dri-FIT shorts. Kung hindi jogging ay mukhang galing siya sa gym.

"Well?" he urged and that halted me from gawking at him.

"Kukunin ko lang ang gamit ko."

"Really?" Nag-angat siya ng kilay at bahagyang ngumisi. "Or did you come here because you thought I was here?"

Halos malukot ang mukha ko sa tanong niya. Anong gusto niyang palabasin? Na gusto ko siyang makita o makausap? Kung ganoon pala ang gusto kong mangyari, sana hindi na lang siya iniwan two years ago.

"Ano namang gagawin ko kung nandito ka?"

"To smother me in my sleep?" sarkastiko niyang sagot.

Bahagyang nag-init ang pisngi ko sa sagot niya dahil malayong-malayo sa mga hinala ko.

"Salamat sa idea. Try ko 'yan mamayang gabi," pambara ko sa parehong tono niya.

Umuwang ang labi niya na parang hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging sagot ko.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon