Chapter Six

4.1K 271 70
                                    

Tapos na ang panghuling klase ko para ngayong araw pero wala akong natanggap na text message mula kay Andres. Medyo inaasahan ko kasi na may text na manggagaling sa kanya dahil may plano kaming umalis ngayong hapon.

Sabi niya kaninang break namin bago kami maghiwalay ng direksyon ng pupuntahan, i-te-text niya ako. Baka hindi na kami tuloy. Pabor din naman na hindi kami matutuloy dahil makakauwi ako agad. Pero sana nagsabi siya para hindi ako nag-iisip ngayon.

Nakita ko agad si Andres pagkalabas ng room. Nakasandal siya sa pader at kinakalikot ang phone. Angat na angat siya mula sa ibang estudyante sa paligid dahil siya lang ang bukod tanging nakasuot ng yellow na damit at jeans. Pansin ko na ilang linggo na siyang hindi nagsusuot ng regular uniform. Hindi ba siya pinapagalitan?

Nang inangat ni Andres ang tingin niya, sa akin agad 'yon tumama. Itinago niya ang phone at nakangising lumapit sa akin.

"Hey," bati niya.

"Akala ko hindi tayo tuloy," panimula ko.

Kumunot ang noo ni Andres. "What made you think that?"

"Hindi ka kasi nag-text."

Gulat na gulat ang reaksyon niya. "Were you expecting a text from me?"

"Akala ko lang mag-te-text ka."

Kinagat niya ang labi niya. "I didn't bother 'cos I know you don't have load." 

"Ayos lang. Akala ko lang."

"Next time. I'll update you. Promise."

Umiling ako. "Okay lang."

Bumuntonghininga si Andres. "Saang mall mo gusto tumingin? SM San Lazaro or Trinoma?"

"Ikaw ang bahala." Kumibitbalikat ako.

"Which one is closer to your house?"

"SM San Lazaro."

Tumango si Andres at kinuha ang paper bag mula sa akin. Mabilis ang kilos niya at hindi siya nagsabi kaya hindi ko napigilan.

"Kaya ko naman 'yan dalhin."

"It's fine. I don't like seeing girls carry stuff."

Inisip ko na lang na pabor sa akin na walang bitbit kaya hinayaan ko siya. Sa ganoong logic, hindi na ako umangal.

Nakasunod ako sa kanya patungo sa car park. Binabagalan niya ang lakad niya para masigurado na magkasabat lang kami sa paglalakad.

Inabot din ng ten minutes ang byahe dahil sa bahagyang traffic. Hapon na kasi kaya oras na ng uwian mga tao.

Sa department store kami dumiretso. Iyon lang ang lugar na tingin namin may bilihan ng lunch bag.

"Anong design ang gusto mo?" tanong ni Andres habang tumitingin-tingin sa naka-display na mga bag.

"Wala akong gusto."

Napatingin sa akin si Andres. Nakasimangot niya. "You don't like any of these? Should we go to a different mall?"

"Huh? Hindi. Sayong lunch bag naman 'yan kaya ikaw dapat ang masusunod sa design."

"You'll be carrying it most of the time though. Might as well buy something that you will like."

"Hindi naman ako mapili sa design. Sa quality ako tumitingin."

Napangiti si Andres pero tinago 'yon sa pagnguso. "Right."

Tumingin si Andres sa paligid at parang may hinahanap. "Miss, can you assist us?"

"Yes, sir? Lunch bag po ang hanap niyo?" agad na tanong ng sales lady nang makalapit sa amin.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon