Chapter Seven

4K 278 59
                                    

2022

Sabi ko na too good to be true. Imposibleng papatirahin ako ni Georgina sa condo niya nang ganoon-ganoon na lang. Sinadya niya 'to. Imposibleng hindi. Georgina could be petty if she wanted to. Ganti niya siguro 'to sa akin dahil sa pag-alis ko nang walang pasabi.

Ang una kong naisip ay umatras at lumabas mula sa condo unit at magpakalayo-layo agad. Pumunta na lang ako siguro ng Batangas. Bibili ako ng tent tapos sa tabing dagat na lang ako matutulog. Doon na rin ako maghahanap ng trabaho hanggang sa makapag-ipon at makalipat sa maayos na tirahan. Pwede rin sa Zambales. Kahit saan basta malayo rito. Malayo sa kanya.

Dapat umatras na ako pero parang napako ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw. Para akong naparalisa habang nakatingin sa kanya. At ganoon din naman siya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagtitigan. Nakita ko kung paano unti-unting dumilim ang mukha niya. May aninag ng galit sa mga mata niya habang ang panga niya naman ay nakaigting lang.

Galit siya. Malamang galit siya. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko?

Umayos siya ng upo at ibinaba ang mga kamay sa ilalim ng lamesa. "What are you doing here?"

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Naghahanap ako ng lakas ng loob na sumagot. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita, "Pinatuloy ako rito ni Georgina."

"Ikaw. Anong ginagawa mo rito?" Gusto kong itanong sa kanya pero dapat wala akong pakialam na malaman ang tungkol sa detalyeng 'yon.

May sarili siyang condo unit siya sa BGC. Nasa Mckinley-Hill Village ang family mansion nila. Marami pa silang ibang properties. Kahit siya mismo may sariling property. Kaya bakit siya nandito? 'Wag mo sabihing sa kanya yung mga gamit sa guest room?

Nanatiling magkasalubong ang mga kilay ni Andres. "For the night? How long have you been staying here? Gi went to New York. Did she really let you stay in her place?"

Parang nag pantig ang tenga ko nang marinig ang dulong tanong niya. Dagdag pa ang tono ng boses niya ay parang may gusto siyang iparating.

Nawala ang pagkabahag ng buntot ko at bahagyang tumulis ang mga pangil. "May gusto ka bang iparating? Na pumunta ako rito ng walang paalam?"

"Is that so surprising? That's what you're good at," ismid niya. Halos malasahan ko ang pait sa tono na ginamit niya.

Hindi ako tanga o manhid para malaman kung ano ang tinutukoy niya. Hindi lang tungkol sa presensiya ko rito sa unit ni Georgina ang problema niya. May patutsada 'yon sa nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.

Alam kong may kasalanan ako sa kanya kaya hindi ako pwedeng magalit pero hindi rin naman ako papayag masagi ang pride ko kung hindi magiging maganda ang trato niya sa akin.

Kinalma ko ang sarili. I shouldn't engage. Hahayaan ko siyang magalit kung yun ang magpapasaya sa kanya.

"Pinatira ako ni Georgina rito. Kung ayaw mong maniwala, tawagan mo ang pinsan mo," malamig kong sagot.

"Alright then." Prenteng sumandal si Andres sa upuan niya. Kinuha niya ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa.

Nanatili ako sa pwesto ko. Pakiramdam ko ay bawal ako gumalaw o tumuloy sa pagpasok sa unit. May mga laser sa paligid. Isang maling kilos, patay agad.

Pinanuod ko si Andres na kinakalikot ang phone. Magkasalubong pa rin ang  mga kilay niya at bakas ang galit sa mukha.

May parte sa akin na takot na makita ulit si Andres na galit. Sa tagal ng relasyon namin, bilang lang sa daliri ang pangyayari na nagalit siya. Naalala ko pa kung gaano ako nabahala nung unang beses ko siyang nakitang ganoon.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon