Chapter One

6.2K 312 75
                                    

Sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ko nagagawang sisihin ang pangalan ko. Epiphany. A moment of sudden revelation. Kaya siguro halos lahat ng ganap sa buhay ko, isang malaking rebelasyon.

Nawalan na ako ng trabaho, nawalan ng nag-iisang 'kaibigan', nawalan ng tirahan, at ngayon... inabutan pa ako ng ulan. Eto na yata ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko.

Hindi pa ako nakakalayo sa apartment building nang biglang bumuhos ang ulan. Kaya ngayon ay nakikisilong ako sa Lawson malapit sa building namin. Ah. Dating building nga pala dapat kasi napalayas na ako.

Inignora ko ang ilang tingin na natatanggap ko dahil sa bukod sa naglalakihang dalawang maleta na dala ko, basang-basa rin ako gawa ng ulan. Bumili ako ng kape at sandwich para hindi ako masita sa pag-upo ko rito. Dinner ko na rin dahil alas otso na.

Nagsimula na akong magplano. Ang unang naisip ko ay humanap muna ng hotel na pwede kong matulugan para sa gabing ito. It was getting late and I needed a place to stay. I didn't have any family to run back to anymore. Hindi ako pwedeng mag-call a friend dahil una sa lahat, wala na akong kaibigan na pwedeng tawagan.

Madali lang maghanap ng hotel. Ang problema ay paano ako sa mga susunod na bukas. Saan ako pupulutin? Hindi madaling maghanap ng apartment at kung maghanap man ako, kaunti lang ang savings ko. Paniguradong may deposit at one month advance pa na hihingin sa akin. It would leave a dent on my pocket. Isang buwan lang ako makaka-survive lalo na at may loan akong binabayaran.

Hindi naman pwedeng sa hotel lang ako tumira. Mas malaki ang expense ko kapag ganoon. Maybe I should just rent a bedspace? Mas mura 'yon kumpara sa mga apartments o condo sharing for rent na nasa halagang five thousand. Ang alam ko ay may bedspace na halagang two thousand lang. Paniguradong maliit nga lang 'yon, isang kwarto lang at sharing bathroom pa. Baka hindi magkasya ang mga gamit ko.

Anong gagawin ko?

Kung ibang tao siguro, kanina pa umiyak sa lagay ko ngayon pero hindi ko magawang umiyak. Dalawang beses lang ako umiyak sa buong buhay ko. Una, nung namatay ang mga magulang ko sa paglubog ng ferry na sinasakyan nila nung seven years old ako at huling beses ay three years ago, nang mawala ulit lahat sa akin.

Siguro dahil ma-pride lang talaga akong tao kaya hindi ako basta-basta umiiyak. Or maybe my pain tolerance was just really high. I was orphaned at seven years old. Nawalan ako ng pamilya sa ganoong kamurang edad. Ano pang ang mas sasakit doon? Kaya parang balewala lang ang ibang mga problema na dumating sa akin.

Granted that I lost everything today too. Ang kaibihan kasi hindi naman ako attached sa mga nawala sa akin ngayon. I already ruined myself once after getting attached before kaya sinumpa ko sa sarili na hindi na ako uulit.

Pinanuod ko ang pagbuhos ng ulan at mga nagdadaanang sasakyan sa harapan ng malaking bintana. Patunay na hindi tumitigil ang mundo sa oras na nadapa ka. Wala itong pakialam kung nasasaktan ka. Patuloy lang siyang iikot kahit na mapag-iwanan ka na ng iba. Iyon ang natutunan ko sa dalawampu't limang pamamalagi ko sa mundong 'to. My very existence was a proof to that.

Nagpakawala na lang ako ng buntonghininga. Maghahanap na muna ako ng hotel at doon ko na ipagpapatuloy ang pag-iisip kung anong susunod kong gagawin. Priority ko ngayon na may matutulugan ako para sa gabing ito.

Inilabas ko ang phone para simulan na ang hotel hunting. Doon ko lang nakita ang ilang text messages mula sa kasamahan ko sa trabaho. Si JD na kasama ko sa I.T. department at sila Jasha at Pearl mula sa sales department. At isa naman ay galing sa HR staff. Kanina pang six ko 'yon natanggap.

JD:
Lakas mo Epiphany HAHAHAH

Galit na galit si Reynante pagkaalis mo. Akala ko na aatakihin sa puso

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon