Chapter Twelve

4K 237 79
                                    

2014

"Epiphany!" tawag ni Georgina mula sa table nila. Kumpleto silang lima. Huling araw ng second semester kaya nagkaayan na lumabas. Iyon nga lang ay may trabaho ako kaya naisipan nila na sa café na lang muna tumambay.

Kumaway si Georgina at sinesenyas na lumapit ako. Tumango ako at nilingon si Monica na may inaasikasong order.

"Mon, lalapitan ko lang sila saglit," paalam ko.

"Sige lang. Mga customer mo naman 'yan."

Nang makuha ang pagpayag niya ay lumapit na ako sa mga kaibigan ko.

"Bakit?" bungad ko.

"Upo ka muna," utos ni Saoirse.

Ikinunot ko ang noo ko pero umupo pa rin kagaya ng gusto nilang mangyari.

"We were talking about my debut. I recently wanted to rent a private resort for us but my parents insisted that we should host a big part for my 18th birthday." Umirap si Georgina nang sinabi 'yon.

Sa May 8 ang birthday ni Georgina. Alam ko dahil may utang ako sa kanyang isang meal at pinilit niya rin akong tandaan ang petsa dahil alam niya raw na June 11 ang akin. Kabisado ko na rin naman ang birthday ng mga kaibigan ko dahil nanlilibre sila tuwing birthday nila. Si Noki at Chesah naman ay halos magkadikit din ang birthday sa October. Si Alon ay December. Si Saoirse lang ang bukod tanging kasabay ko sa buwan.

"But then I realized it's not that bad. I can get you guys as part of my 18 candles." Humagikgik si Georgina.

"Formal 'yan diba? Wala akong dress." Ngumiwi ako.

"I have a shit ton of dresses and we're the same size. Pahiramin kita," alok ni Saoirse. Sa grupo talaga, silang dalawa ni Georgina ang sumasalo sa akin sa tuwing financial ang inuusapan. Generous din naman ang iba naming kaibigan pero silang dalawa talaga yung mayaman talaga sa grupo namin.

"Problem solved." Hinampas ni Georgina ang lamesa. "All of you are going. Ang hindi makapunta, F.O.."

"Yay!" Pumalakpak si Alon at malaki ang ngiti. "Excited na ako. Maraming pogi at mayaman don. Baka doon ko na makikita love life ko."

"Ayan na naman si Miss Hopeless Romantic," komento ni Chesah. Napangiti ako dahil alam kong asaran na ang sunod na mangyayari.

"What?" Sumimangot si Alon kay Chesah. "Pupunta si Andres doon diba? Tutal hindi naman siya interested sa akin, sa barkada niya na lang ako."

Napawi ang ngiti ko. Napansin ko ang pagtingin sa akin nila Saoirse at Georgina. Umubo ako at tumayo. "Babalik na ako sa counter."

Hindi nila ako pinigilan at hindi rin naman ako magpapapigil. Ayaw kong marinig ang pangalan na 'yon. Kahit nga isipin ay ayaw ko rin. Ilang buwan kong binura ang pangalan na 'yon sa utak ko at pinilit na huwag isipin. Nahirapan akong gawin 'yon at ayaw kong bumalik ulit sa dati na masasaktan na lang ako sa tuwing maiisip ko ang pangalan niya.

Ito yata yung sinasabi nilang first heartbreak. Hindi ko akalain na mararanasan ko rin pala 'yon. Siguro dahil hindi naman ako yung tipong napapalapit sa tao at hindi madaling mapagaan ang loob. May parte pa rin sa utak ko na hindi sumasang-ayon na may gusto nga ako sa kanya. Baka lang nasanay ako kaya ganito ang nararamdaman ko. At gumagaan din ang loob ko kapag binabalewala ko lang ang nangyari.

Tutal, ilang buwan na rin naman ang nakalipas. Hindi ko na rin siya nakikita tulad ng dati at masarap din sa pakiramdam na hindi ko alam ang schedule niya para hindi ko na naiisip sa tuwing may posibilidad na magkita kami. Malaking tulong na malaki ang UST campus kahit na iisang building lang kami.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon