Chapter Two

5.5K 252 53
                                    

2013

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang maging isang ganap na Thomasian ako. Nakapag-freshmen walk na ako, pumasok sa arch of the centuries at lahat pero hindi pa rin ako makapaniwala na nag-aaral ako sa UST. The UST. University of Santo Tomas, the pontifical, royal, and catholic university of the Philippines. Also known as the home of the growling tigers.

Sa totoo lang, hindi ko naman dream school 'to at wala naman talaga akong dream school. Ang gusto ko lang, makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Pero since pipili na lang naman ako sa mga universities na nag-o-offer sa akin ng full scholarship, syempre pipiliin ko na yung kilala at respetadong university na mabango ang pangalan sa mga employers.

Ang sabi ko pa, wala akong pakialam kung anong university basta may full scholarship, pero ngayon na nandito na ako, may parte sa akin na namamangha rin sa mga nakikita at na-e-experience.

Tulad ng event ngayon. Ang R101 o Recruitment 101. Isa itong one week event na ginawa para sa freshmen kung saan pwede sila mamili ng organization.

Maraming estudyante na palagay ko freshmen din katulad ko, ang nagkalat sa Plaza Mayor at iniisa-isa ang mga booths na nakahilera.

Maraming organzations sa bawat college or faculty ang pwedeng salihan pero napagplanuhan ko na ang sasalihan ko na orgs. Dalawa ay college-based orgs at isa ay university wide org ang sasalihan ko.

May ilan na nag-aabot ng pamphlet, ang ilan naman nagbibigay ng free snacks. Iyong nakatusok sa toothpick na parang free taste sa supermarket. Tinatanggap ko naman kahit wala naman akong interest sumali sa orgs nila kasi lamang tyan din 'yon.

Nang magsawa na sa pagtingin ng booths ng ibang college ay dumiretso na ako sa hilera ng orgs ng Engineering. Doon kasi kabilang ang orgs na related sa program ko na Information Technology.

Bukod sa booth engineering student council na may pa-live performance, hindi engrande ang booths ng ibang orgs. Ang unang org na nakakuha ng attention ko ang Cisco Networking Academy Gateway o CNAG. Familiar kasi sa akin ang Cisco dahil kilalang company ito sa industry namin.

Yung booth nila, sumisigaw rin ng professionalism dahil sa posters at patayong rectangular na tarpaulin na nakalagay sa isang stand. Mukha silang corporate booth sa halip na university org.

"Hi! Join us at CNAG!" bati ng babaeng member sabay abot ng isang pamphlet sa akin.

Huminto ako para tanggapin 'yon. Lumapit ako sa booth nila at binasa ang pamphlet. Maganda ang nakalatag na information tungkol sa organization at previous activities nila. Mukhang marami akong matututunan kaya interesado akong sumali.

"What's your name and program?" nakangiti pa rin niyang tanong.

"Epiphany po. Information Technology," simpleng sagot ko. Hindi ko magawang ngumiti kasi wala naman nakakangiti sa sinabi ko.

"Nice to meet you, Epiphany!" Inabot niya ang kamay para makipag-shake hands. Tinanggap ko naman 'yon for proper etiquette.

"Nice to meet you, too."

"Ang cute ng name mo. Epiphany." Humagikgik siya. "I'm Laila, college executive board for communications. Gusto mo bang mag-apply?"

Tumango ako.

"That's great! Pwede ka mag apply online by visiting this link. Or if gusto mo, magpasa ka na ng form ngayon dito."

"Magpapasa na lang po ako ngayon," sabi ko. Hassle at gastos kasi kung pupunta pa akong computer shop mamaya. Pang-tawag at text lang ang pinaglumaan na phone na gamit ko at wala rin akong sariling computer o laptop sa bahay.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon