Chapter Eleven

4K 241 44
                                    

Hindi na ulit ako kinausap ni Andres. Hindi na siya bumabati ng goodmorning at nagtatanong na kumain na ba ako at nagtatanong tungkol sa lunch namin. Hindi na siya tumatawag sa gabi. Hindi na siya tumatabi sa akin sa subject na magkaklase kami.

Kahit na tingin sa gawi ko, hindi na rin niya ginagawa kaya kahit na nangako ako na babatiin ko pa rin siya kapag nagkasalubong kami, hindi ko na natupad sa takot na mapahiya sa oras na hindi niya ako pansinin.

Hindi naman nagtanong ang mga kaibigan ko, kahit si Gi. Walang nagtaka sa kanila na hindi na nila nakikita si Andres.

Akala ko magiging balik sa normal ang lahat sa oras na hindi na kami magkasama pero parang lumala pa yata.

Mas lalo ko siyang naiisip. Mas lalo akong kinakabahan sa tuwing papasok na ako sa subject naming dalawa. Tipong napapatigil ako sa hininga sa tuwing papasok siya sa room. At inaabangan ko pa ang pagkakataon na babatiin niya na ako.

Weirdo sa pakiramdam. At... nakakalungkot din pala. Parang may kulang. Siguro dahil lang sa nasanay na ako na palagi kaming magkasama at palagi rin magkausap kahit na hindi kami magkasama.

Baka kapag hindi na kami magkaklase at hindi na nagtatagpo ang landas namin sa hallway, mawala rin ito. Ang mga bagay nga na nahahawakan, nawawala—ang nararamdaman pa kaya?

"Epiphany," narinig ko ang tawag sa pangalan ko na gumising sa akin mula sa pagkakatulala.

Inalis ko ang tingin sa kahera at nakita ko si Ma'am Ynessa na nakatayo sa tapat ng office niya.

"Yes po, Ma'am?"

"Can you come here for a sec?"

"Okay po." Tumango ako at lumingon kay Monica. Nakatingin na siya sa akin at malaki na ang ngiti niya.

"Sahod." Basa ko sa labi niya dahil hindi niya 'yon isi-naboses. Katapusan na at nakakadalawang linggo na ako rito sa café kaya malamang nga ay sahod ang sadya sa akin ni Ma'am Ynessa.

Kaya lang naisip ko si Andres. Paano kung sinabi niya kay Ma'am Ynessa na hindi na kami close katulad nang dati? Baka patigilin na ako sa training at hindi na ako tanggapin sa trabaho.

Napasimangot ako sa sarili. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Andres kaya bakit ko ba naisip ang negatibong bagay na 'yon.

"Balik ako," paalam ko at dumiretso na sa opisina ng amo namin.

Tinubuan ako ng kaba nang pumasok ako sa loob ng maliit na opisina ni Ma'am Ynessa. Nakaupo na siya sa likod ng lamesa niya at may inoorganisa na mga papel sa ibabaw na lamesa.

"Please, have a seat." Tinuro niya ang upuan na nasa harap ng lamesa niya at kalamdong ngumiti.

Hindi naman siya siguro ngingiti sa akin kung balak niya akong hindi tanggapin bilang part-timer 'di ba?

Maliit ang galaw ko nang malakad palapit sa harap ng lamesa at umupo.

"Congrats for finishing you two weeks of training, Epiphany," paunang bati ni Ma'am Ynessa.

"Thank you po."

"The rest of the team have high praises about you and I can see how hardworking you are and you're a fast learner," patuloy niya sa pagsalita.

Nahihiyang ngumiti na lang ako at tumango. Good news, bad news ba 'to? Pinupuri ako para hindi masyadong masakit kapag sinabi niya nang hindi niya ako tatanggapin?

"And with that said, here's your pay from your training." Inabot niya sa akin ang isang sobre.

Mapapangiti na sana ako nang malaki pero kinagat ko lang ang labi para pigilan ang sarili.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon