Chapter Nine

4.4K 240 45
                                    

"Epiphany!" narinig ko ang bulyaw ni Tita Vilma mula sa labas.

Tinaktak ko muna ang mga nabanlawan na mga kutsara at tinidor bago itinabi 'yon sa lalagyanan. Pinunasan ko ang basang mga kamay sa tuwalya na nakasabit sa hawakan ng ref.

"Epiphany!" sigaw ulit niya pero mas malapit na kaya napatingin na ako sa likod.

"May naghahanap sa'yo sa labas! Naka-magarang sasakyan!" tuwang-tuwa si Tita Vilma nang sabihin 'yon. "Sino 'yon? Pogi, ah. Mukhang mayaman pa. Manliligaw mo?"

Gusto kong mapapikit at tapikin ang noo ko pero pinigilan ako ang sarili bago matuloy. Sinabihan ko si Andres na magkita na lang kami sa kanto. Hindi ko nga alam kung paano niya natunton ang bahay namin dahil hindi ko naman 'yon sinabi sa kanya. Malamang ipinagtanong niya pa sa labas.

"Hindi po, Tita. Kaibigan lang po," paliwanag ko. Kinuha ko ang canvas bag mula sa upuan.

"Asus. Ayaw pang aminin. Pasado agad sa akin 'yang manliligaw mo. Pwede ka na mag-boyfriend lalo na kung maraming pera."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at lumapit pa rin para magmano. "Mauna na po ako."

"Date niyo? Sige. Pagbutihan mo 'yan. Baka 'yan na ang mag-aahon sa atin sa hirap. Nang magkasilbi ka naman."

Pinaigting ko na lang ang panga ko at sinigurado na nakatikom ang bibig dahil baka may masabi akong hindi maganda.

Gusto ko man, mahirap sumagot kay Tita dahil siya ang nagpapatira at nagpapakain sa akin ngayon. Kaya gustong-gusto ko na makatapos at humiwalay sa kanila para wala na akong utang na loob.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko agad ang nakakasilaw na sasakyan ni Andres. Iyong sasakyan niya lang kasi ang nasa daan, yung ibang nakaparada—mga tricycle at jeep sa pinakamalayong dulo.

Napansin ko ang tinginan ng mga Ale sa tindahan ni Ka-Brusing. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagmamadaling pumasok sa passenger's seat.

"Hey," maligayang bati ni Andres.

"Paandarin mo na yung sasakyan. Bilisan mo," mahinang utos ko habang kinakabit ang seatbelt sa sarili.

"Aren't you gonna greet me first?"

Napatingin ako sa kanya at nakita ang malaking ngiti niya. Naglaho 'yon nang makita ang simangot sa mukha ko pero hindi pa rin niya pinatakbo ang sasakyan.

"Hello," pilit kong bati. "Okay na? Pwedeng paandarin mo na?"

Sumeryoso ang mukha ni Andres at umayos ng upo. Ginalaw niya ang stick sa gitna at nakahinga ako nang maluwag nang umandar na ang sasakyan paalis ng lugar namin.

Huminga nang malalim si Andres. "Is there a problem, Epiphany?"

"Ang usapan natin sa kanto na lang tayo magkikita diba?"

"Ayaw kong maglakad ka nang mahaba. Am I not allowed to pick you up in front of your house?" Lumingon-lingon siya sa akin habang nagtatanong. Gulong-gulo ang mukha.

"Nakita ka kasi ng mga kapitbahay ko. Pati yung Tita ko nakita ka rin."

"And what's wrong with that? Kinakahiya mo ba ako?" tunong nang-aakusa siya.

Bumagsak ang panga ko dahil doon. Sa kanya pa talaga manggagaling 'yan?

"Hindi naman sa ganoon. Mapagtsitsismisan kasi ako sa amin. Kung anu-ano ang iisipin nila panigurado. Lalo na yung Tita ko."

Hindi ko na sinabi na pinagkamalan siya ni Tita Vilma na manliligaw ko. Hindi kapani-paniwala. Ako? Liligawan ni Andres? Sa itsura at appeal niya, paniguradong mga type niya ay yung katulad ni Saoirse. Yung malakas ang dating at maraming alam tungkol sa mga lalaki.

After We Broke Up (Retrograde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon