"Oh my God! I missed you all so much!" naghihisteryang sigaw ni Georgina pagkadating na pagkadating niya.
Kumpleto na ang grupo at siya na lang ang hinihintay namin. Medyo nagmukha siyang morena pero bagay pa rin sa kanya.
"Especially you! My Epiphany!" sabi ni Gi nang ako na ang yayakapin niya. Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Ang tagal natin hindi nag-usap. Hindi ka sumasagot sa texts at tawag ko.
"Mahal ang text kapag ibang bansa. Sayang lang pera mo sa tawag, e magkikita naman tayo," sagot ko.
Niluwagan ni Georgina ang yakap sa akin pero hindi ako pinakawalan. Ngumuso siya at mukhang nagpapaawa. "Hindi mo na ako na-miss?"
Tumawa ako. "Na-miss naman."
Bungisngis na ngumiti siya at matapos ay humalik sa pisngi ko bago ako pakawalan.
Pumalakpak si Georgina ng isang beses. "Okay. What's new?"
Nagsimula na ang kwentuhan tumgkol sa mga kanya-kanyang ganap sa buhay. Malapit ang pamilya nila Chesah at Darius kaya magkasama sila sa naging family summer outing. Si Alon naman ay umuwi sa probinsya nila. Si Georgina, nasa ibang bansa buong buwan.
Hindi nagtagal ay ipinalabas na ni Saoirse ang mga alak at pulutan. Isang bote na may tatak na Hennessy at iba't-ibang pulutan ang dala ng dalawang kasambahay. Ang pangatlo ay may bitbit na cooler.
"Ano 'to?" tanong ni Darius habang binibuksan ang cooler na nilapag sa tabi niya. "Yuck. Smirnoff. Ano ako, preschool?"
"Obviously, it's not for you. It's for the babies. Alon and Epiphany." Tinuro kami ni Saoirse.
"Ayaw ko rin ng hard. Smirnoff na lang ako," sabi ni Chesah.
"Love ko ang Smirnoff!" sabi ni Alon at tumayo para kumuha ng sariling bote niya.
Napangiwi ako. Hindi ko talaga makita ang appeal ng pag-inom. Yung Tito ko mahilig uminom 'yon. Linggo-linggo sa barkada, araw-araw naman red horse sa bahay. Iyon lagi ang pinag-aawayan nilang mag-asawa.
"Parang ayaw kong uminom," sabi ko.
"Tikman mo muna. Masarap 'to, promise!" kumbinsi ni Alon.
"Oo. Lasang mountain dew lang na mainit sa tiyan," dagdag ni Chesah.
"Mga peer pressure ampotah," sabi ni Darius na nagsasalin ng Hennessy sa tatlong baso.
"You don't have to if you don't want to, babe. But just take a sip for experience," si Georgina naman ang nag-encourage.
Ayaw ko rin naman maging ignorante sa alak. Hindi naman ako mamatay sa isang bote at wala rin naman ako balak maglasing.
"Okay." Tumango ako. Ngumisi si Saoirse at ikinuha ako ng smirnoff. Binuksan niya pa 'yon para sa akin.
"First inom natin 'to together," sabi ni Georgina. "Cheers!"
Itinaas namin ang kanya-kanyang hawak.
"OMG. Wait! Let me take a photo," habol ni Georgina. Nagmamadali niyang inilabas ang phone at kinuhanan ang mga kamay namin.
"Okay. Done. Cheers!" ulit niya.
Binawi na namin ang kanya-kanyang alak. Huminga ako nang malalim at nakapikit na tinungga ang bote. Naghihintay ako ng pait pero nawala ang lungkot sa mukha ko nang matikman ang tamis ng alak. Medyo lasang lime. May guhit lang at mainit kumpara sa softdrinks.
Nang tumigil ako sa pag-inom ay nakita ko silang lahat na pinapanuod ako.
"Ano? Masarap ba?" tanong ni Chesah.
BINABASA MO ANG
After We Broke Up (Retrograde Series #1)
RomanceEpiphany leaves her job, gets accused by her old college friend (now turned ex-friend) of seducing her douchebag boyfriend, and gets kicked out of the apartment all at the same day. She has has nowhere else to go, no family to run to, and no friend...