Chapter 01

75.5K 3.1K 1.2K
                                    

Chapter 01

"What?" I asked nang makita ko na naka-tingin sa akin si Rhys at naka-kunot ang noo niya. Christmas season, pero naka-default face na naman siya!

"Ang saya mo masyado."

"Well, I need to! If hindi ako masaya, pwedeng akalain na undas dito sa bahay natin," I told him.

"Whatever. Naubos na naman pera mo d'yan," he said as he pointed out at the paperbags I was holding. I just came home from a shopping spree. In my defense, nagtitipid naman ako for the whole year. Gusto ko lang kasi talaga na may binibigay ako sa mga tao kapag holiday season. Of course hindi ko naman sila kayang bigyan ng sobrang gandang regalo lahat... I do hope na naappreciate nila kahit maliit lang iyong bigay ko sa kanila.

"Pera ko naman 'to."

"Pera nila Mama."

"Ang sama mo," sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Siya kasi, malaki na iyong sweldo dahil sa trabaho niya. Kasalanan ko ba na halos wala pa rin akong kini-kita sa trabaho ko? I mean, compared sa bibinigay nila Mama, halos wala akong nakukuha sa work. Sabi naman nila Mama, kahit forever bibigyan daw nila ako ng allowance. Inggit lang si Rhys sa akin kasi wala na siyang allowance nung pumasa siya ng BAR.

"Ano ba 'yan?" he asked, being the chismoso that he was.

"Ibibigay ko sa cancer ward," I told him habang pinapakita ko sa kanya iyong mga stuffed toys na ipapamigay ko. Maliliit lang naman 'yon. Gusto ko lang na may makuha sila this Christmas. Marami kasi sa kanila na busy iyong parents sa trabaho para may ipangbayad sa hospital bills nila. Ang lungkot kaya magcelebrate ng Christmas mag-isa.

"Ilan ba sila 'dun?" he asked.

"Why?"

He shrugged. "Curious lang."

"Hmm... Not sure," I told him kasi... syempre unpredictable naman iyong nangyayari. And to be honest, I try so hard not to focus on how fleeting human life is. I just wanted to focus on the positive kasi kapag nagfocus ako sa negative, I easily get sucked in.

Some people say that I'm just naturally a happy person... Hindi nila alam how hard I try to be in this disposition. Kasi mas madali kaya maging malungkot. Mas madali magfocus sa negative. Being happy is actually a lot of hard work.

"But if may sobra, ibibigay ko sa ibang mga bata," I added.

Tinulungan ako ni Rhys na magbalot ng mga gifts ko. After a while, tumayo na siya dahil kailangan niyang umalis.

"Nagtransfer ako," he said.

"Huh?"

"Pandagdag," he said. Naka-kunot pa rin ang noo ko. He rolled his eyes at me. "Dagdagan mo 'yan," he continued as he pointed at the already wrapped gifts.

Napaawang iyong labi ko bago ako napa-ngisi. "Tss... After mo akong sabihan na nagsasayang ako ng pera."

Umirap siya. "Ibalik mo na nga."

Mabilis akong umiling. "Wala. Nasa account ko na."

Umirap lang siya ulit. "Balik ako mamaya," sabi niya.

Christmas eve kasi ngayon. Rhys already moved out before. I was actually happy for him, but on the downside, since wala na siya, nasa akin na ang lahat ng atensyon nila Mama. Ganito pala ang feeling ng only child. Para akong nasa microscope. Huli kong naramdaman 'to nung—

I immediately shook my head.

"It's Christmas," I reminded myself. Huminga ako nang malalim. "Right. Dadaan muna ako ng mall to buy additional gifts, at saka ako didiretso sa St. Matthew's."

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon