Chapter 06

64.7K 3.1K 1.1K
                                    

Chapter 06

I was like a hawk watching Chester's every move. Mabuti na lang at nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. I hope hindi totoo iyong naffeel mo na may nakatingin sa 'yo kasi if oo? I was dead sure na kanina niya pa ramdam! Bakit naman kasi sa lahat ng bagay na kakakiligan ko pa, iyong paghuhugas niya pa ng plato?!

"Tapos ka na?" I asked although obvious naman dahil nagpupunas na siya ng kamay niya.

Nung humarap siya sa akin, nakita ko na walang bakas ng tubig sa shirt niya. In fairness, sanay nga siya maghugas ng plato. Si Rhys kasi marunong naman pero laging labag sa loob niya kaya kapag naghugas iyon, kulang na lang isipin mo na nagcarwash siya sa sobrang basa ng damit niya.

"Dito ka lang ba?" he asked.

My forehead creased. "What?"

"Di ka pa babalik?"

"Oh..." I said. Hindi naman ako usually ganito ka-slow kapag may ibang kausap ako. For some reason, kapag si Chester ang nasa harap ko, nagugulo and nagmamalfunction talaga ang system ko! "Kaka-kain ko lang, e," I added. "I'll probably stay here for a while."

He gave me a small nod. I thought he'd excuse himself kasi based sa mga naging pag-uusap namin, we'd talk for a while and then he'd excuse himself. Ganoon iyong pattern, e. So, I was expecting him to bid me good night and to tell me na babalik na siya sa room niya.

"Ikaw?" I asked, applauding myself sa kapal ng mukha na meron ako. "Aakyat ka na ba?"

He looked at me and gave me a shrugged. "Kaka-kain ko lang din."

I frowned. "Ginagaya mo 'yung sinabi ko."

"Nauna akong kumain sa 'yo."

Sometimes, hindi ko gets si Chester like minsan mabait siya, minsan nagjojoke naman siya but very dry talaga iyong humor niya. As in mas gusto kong titigan siya kaysa tumawa sa jokes niya. Same sila ng kapatid niya na minsan kailangan mo pa iinterpret iyong jokes. But even then, natutuwa pa rin ako sa kanya! Delikado na talaga ako.

We both went inside. For a while, tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. I knew that we're in the province, but seeing the stars up above? It was like I was reminded na nasa probinsya na nga talaga kami. Wala na kasing ganito sa Manila dahil sa kapal ng usok.

"I think fiesta ngayon dito," I said after minutes of just pure silence between us. Hindi naman totally silence kasi maririnig mo iyong buzz ng mga insects sa paligid.

"Nadaanan ko nga," he replied.

"Paano ka pumunta rito?" I asked. "Nagdrive ka?"

He nodded. "Hindi naman ako marunong lumipad."

I frowned. Ayan na naman siya sa joke niya na mas dry pa sa Sahara desert. Oh, well, at least he's trying!

"I mean kasi baka nagcommute ka, 'di ba?" I asked. "Bakit sa paglipad agad napunta 'yung sagot mo?" I asked again but he just shrugged. I already met Cha and Chester, pero hindi sila ganito! Pati iyong tatay niya hindi naman ganito. Siguro mahilig sa corny jokes iyong nanay ni Chester kasi saan niya naman mamamana 'yan?

"Balik na lang tayo sa fiesta," sabi niya.

I rolled my eyes, but I was also fighting a smile. Bakit niya binalik iyong usapan? Gusto niya siguro na may pinag-uusapan kami! Tsk! Ayoko lang mag-assume kasi mahirap mag-assume, pero baka sinundan niya ako rito kasi hindi naman daw siya free tapos biglang nandito na siya!

"Alam mo 'yung perya?" I asked.

"Parang Enchanted Kingdom?" he asked.

I nodded. "Kinda... but less rides," sabi ko sa kanya. "Nakapunta ka na?"

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon