Chapter 07

69.9K 3K 1.4K
                                    

Chapter 07

It was almost dawn nung makatulog ako. Hindi ata pwedeng i-consider na tulog iyon—more like nap. Hindi kasi ako makatulog! I kept on thinking about the fact na may chance na pupunta kami sa perya ni Chester later! Although hindi pa sure kasi manghihiram pa siya ng jeep, but at least! So, instead na matulog dahil may work pa bukas, ang ginawa ko ay nagprepare ako ng outfit. Sobrang nagsisi ako kagabi na wala akong dalang maayos na damit! Malay ko ba na pupunta kami sa perya ng crush ko ngayong medical mission? Lahat ng dala ko ay maluwag na pants lang and comfortable shirt. I suddenly yearned for my wardrobe in Manila!

"Good morning," bati sa akin pagdating ko sa dining area kung nasaan iyong food.

"Good morning," I greeted with a smile on my face.

"Namamaga mata mo."

"Yeah..." sagot ko na lang kasi there's no denying that dahil kahit ako nakita ko kanina sa salamin! Sana lang hindi ko makita si Chester ngayon dahil baka isipin niya na hindi ako nakatulog dahil sa lakad namin mamaya. But sobrang impossible na hindi kami magkita dahil maliit lang naman iyong place.

But, still, to avoid him (at least this morning), I quickly grabbed my breakfast at naglalakad na ako palabas nung mapahinto ako dahil literal na nakasalubong ko siya.

"G-good morning," I said and then forced myself to stand properly.

"Morning," he greeted. "Ano'ng breakfast?"

"Uh... I think tapa?" I replied. "Not sure if iba-iba."

Tumango siya. "Okay."

Okay... Should I stand here? Should I ask him? Pero ano ang itatanong ko sa kanya? But I was not able to formulate a question dahil biglang may nag-excuse me sa amin dahil nakaharang pala kami sa daan.

"Nakausap ko na si Kuya," bigla niyang sabi habang nakatayo kami sa may gilid ng pinto. Nandoon pala kasi kami sa harap ng pinto. Umagang-umaga. Ang liwanag. Kitang-kita ko iyong buong mukha niya. Parang biglang luminaw iyong mata ko lalo. Wala siyang pores! I mean, not surprising dahil wala atang pores ang pamilya niya. But he looked really neat! Maybe he's one of those people na malinis sa katawan but madumi sa gamit? I mean... if we're meant to be, ako na lang ang maglilinis for him. He'd be doing me a huge favor because I love cleaning. Kaya nga minsan tinutukso ako ni Iñigo na may mga dumi daw na ako lang ang nakakakita, e.

"Oh... Did he agree?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Basta daw palagyan ng gas pagbalik," sabi niya. "Tanong na lang tayo mamaya kung saan gas station."

My heart was beating loudly inside my chest. Hindi ko alam kung bakit ganon! Instinctively, I took a step back dahil baka marinig niya iyon kahit alam ko naman na impossible. Pero dahil sa ginawa ko, kumunot ang noo niya. I just smiled at him.

"Okay," sabi ko habang humihinga nang malalim. "So... after work?"

Tumango siyang muli. "Kita tayo ng mga 5:30?"

"Hindi 5?" sabi ko.

"I assume tutulong ka pa magayos ng gamit?"

I blinked. "Oh... right," sabi ko kahit medyo namangha ako na parang alam niya kung ano ang gagawin ko right after. Nakaka-guilty naman kasi talaga na bigla na lang akong umalis kahit na may mga tao na nag-stay pa para magayos ng gamit. Saka sandali lang naman magayos and it wasn't as if pinagbubuhat nila ako ng mabigat na gamit—the most I do was to stack the chairs.

"Sa likuran daw nakapark 'yung jeep," sabi niya. "Kita na lang tayo 'dun?"

"Okay," sabi ko. Bibilisan ko na lang tumulong kasi babalik pa ako sa room para magpalit ng damit. Ayoko naman na iyong suot ko maghapon iyong isusuot ko mamaya. Saka kailangan ko pa magretouch. Alam ko naman na hindi 'to date, but still! I wanted to always look presentable in front of him.

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon