Chapter 05

63.8K 3K 1.1K
                                    

Chapter 05

"What a weird dream..." I told myself as I was brushing my teeth. Ganoon ko na ba ka-crush si Chester to the point that I'd dream about him? And ang weird naman kasi sa panaginip ko, kumukuha siya ng tubig mula sa ref. Sana naman romantic iyong panaginip ko! There's nothing romantic about my dream about him. Ni hindi man lang kami nag-usap or anything—at least my dream got that part right dahil kahit in real life, hindi naman kami masyadong nag-uusap talaga.

Around 6AM, bumaba na ako. I wanted to eat breakfast muna kasi alam ko na kapag nagstart na mamaya, hindi na ako makaka-kain. Okay lang din naman kasi lalo na kapag mahaba iyong pila and kita mo na maraming naghihintay, nakaka-guilty kumain.

"Good morning," I greeted lahat ng madaanan ko. Naglakad na ako papunta roon sa table kung nasaan nakalagay iyong packed food namin, pero bigla akong napahinto nung may makita akong pamilyar na likod.

My forehead was creased. Si... Chester ba iyong lalaki sa may harap ng table? I wasn't so sure if it was him! Hindi ko naman kasi siya madalas na makita sa St. Matthew's, but for some reason, the guy's back was so familiar. Ganyan din kasi iyong itsura nung likod ni Chester whenever I'd see him walking away from me—he's tall and lean iyong katawan... more on lanky, but it's fine because it suited him naman. Tapos iyong buhok niya na sobrang itim tignan. He actually looked really clean! You'd think that he's a neat person unless makita mo iyong situation ng car niya.

"Ayos ka lang?"

"Y-yes," sagot ko and then I took a step to the side dahil nakaharang yata ako sa mga dumadaan. I was still there, staring at the back of the guy nang bigla siyang humarap. My eyes widened. Oh, my gosh! Si Chester nga!

Napahinto siya nang makita niya ako. My eyes widened even more! Oh, shucks! Kung siya nga 'to, this meant na siya nga iyong nakita ko kagabi! And—

I was so quick to turn around and walk away. Nakakahiya! Gosh, Graciella! Nakakahiya ka! Did you really tell him last night na it's easier to see him in your dreams than in reality? He must be thinking all kinds of things about me!

Bumalik agad ako sa room ko. Pagpasok ko, agad ko iyong sinara at sumandal ako sa likod nun. Huminga ako nang malalim.

"Okay..." I told myself. "What's the game plan now, Gracey? Ano ang pwede kong idahilan? Would he believe na nagsleepwalk ako? And that wala akong alam sa mga sinasabi ko? Can I plead ignorance na lang? But then again, sobrang giveaway na iyong reaction ko kanina nung makita ko siya!"

I kept on thinking about the possible excuse na pwede kong ibigay sa kanya na naubos na iyong oras ko to eat food. Instead of the breakfast (nakita ko pa naman na rice meal!), kumain na lang ako ng cracker na baon ko. For sure magugutom agad ako... Dapat siguro lumabas ako kanina to check if nandoon pa siya para if wala na, nakakain pa ako ng breakfast.

"Ready?" Dr. Alvarez asked.

I nodded. "Yes, doc," I replied kahit na ang totoo, iyong isip ko ay nasa breakfast na dapat ay nakain ko kanina.

Quickly, pumunta ako roon sa pwesto ko. Inaayos ko iyong mga gamit nang biglang mapa-tingin ako sa opposite side. Nakita ko na nakatingin sa akin si Chester. My eyes widened in an instant. Itinaas ko iyong paper at saka tinakip sa mukha ko.

"Okay ka lang?" Ginnie asked.

I nodded and pretended that I was just arranging my things—na totoo naman. Gusto ko kasi maayos lagi iyong gamit ko para kapag kailangan ko sila, alam ko agad kung saan ko hahanapin. Waste of time kasi if maghahanap pa ako—when it could've been avoided kung nasa tamang lalagyan lang lahat.

"Good morning po," I greeted the woman and the kid who was my first patient for today. I did my best with what was available, but with most of the patients I saw today, karamihan sa kanila ay kailangan talaga na pumunta sa ospital. But based on experience, hindi ko talaga pinipilit if ayaw nila. Kasi ang nasa isip nila ay iyong gastos and karamihan sa kanila, gusto naman talaga kasi sino ba ang magulang na ayaw ipagamot ang anak? Kaya lang, kaysa gamitin iyong pera sa hospital, mas pipiliin nila na ipangkain na lang.

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon