Chapter 28

53.5K 2.6K 843
                                    

Chapter 28

"Wag niyo kasing titigan," Cha said sa aming dalawa ni Chase.

"We're not doing anything," I said.

Cha deadpanned. "Right."

I pouted and tried my best na lang na 'wag tignan sina Tito Fred and Chester. We were at Target kasi tapos naglalakad-lakad lang kami. I was talking with Cha regarding kay Iñigo kaya hindi ko talaga alam kung ano iyong nangyayari kanina. And then tinawag ako ni Chase and he pointed out na magkasama sina Chester and Tito Fred. They were talking! And admittedly, we were staring.

After going around, we decided to eat na kasi nagugutom na ako. The meal was mostly Chase and me engaging in a conversation tapos iyong tatlong Viste ay tahimik na kumakain. Tapos naguusap si Tito Fred and Cha, but I figured that was mostly about sa pending case ni Cha. Medyo ayaw pa rin niya kasing umuwi sa Pilipinas. I completely understood. Nung unang nangyari din sa akin iyon, ni ayokong lumabas ng bahay due to the fear and paranoia na baka mangyari ulit sa akin...

It did get better.

But it took me a long, long time.

I'd pray for Cha to be okay. She deserved peace. And happiness with Iñigo.

Pagbalik namin sa bahay, I immediately excused myself because I wanted to rest na. Habang patagal nang patagal iyong pregnancy ko, parang gusto ko na lang na nasa kama ako palagi kasi ang hirap kaya maglakad. But I also knew that I needed to walk around and to get moving para hindi ako mahirapan sa panganganak. I was still undecided if I'd go with natural birth kasi alam ko naman na masakit... but at the same time, I was thinking na baka hindi na 'to maulit, so I wanted to experience everything, if possible.

When I woke up, my hands automatically reached for Chester, but his side of the bed was empty. I stood up to grab myself a glass of water. Paglabas ko, nakita ko na parang tulog na iyong lahat. Gabi na pala. Ang tagal pala nung supposedly nap ko.

I was about to go to the ref nang makita ko sa labas si Chester and Cha. They were on the same place kung saan nagusap kami ni Cha kagabi. I just grabbed myself a glass of water and began to walk towards them para tumabi sa kanila, but I stopped when I realized na mukhang serious talk silang dalawang magkapatid.

"Pano mo nga ginawa?" I heard Chester asked.

"I just did," Cha said.

"Paano nga?"

"Sa tingin mo ba may ten steps akong mabibigay?" Cha replied. I was sure na naka-deadpan siya nang sinabi niya 'yon. Ganon kasi iyong itsura niya when she's about to say something sarcastic—I knew kasi nung before na nasa ligawan stage pa sila ni Iñigo, laging ginagaya ni Iñigo iyong ganyan na expression ni Cha.

"Tss." Chester leaned back. "Hirap naman kasi."

"Wala namang pumipilit sa 'yo."

"Mas madali kasi kung ayos na."

"Dahil kay Gracey?"

Chester didn't reply, but I saw him nod his head.

"Hindi ka naman pinipilit nun, 'di ba?"

He shook his head. "I know but... it'd make her happy."

"I don't think she'll be happy if she knows you're just forcing yourself na maging okay kayo ni Papa," Cha replied. "Just let it go. Or let things happen naturally."

"Still," Chester said. "I love her, you know? I want to give her everything."

Nabulunan si Cha sa iniinom niya na tsaa. "Sorry," she said. "Ang weird pakinggan."

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon