Chapter 04

65.2K 3K 1.3K
                                    

Chapter 04

My eyes widened when I heard the name that came out of Iñigo's treacherous mouth! My body was telling me na lumingon to confirm kung totoo ba na nandito si Chester or Iñigo was just being a pest as usual! But my mind was telling me to chill! Kasi so what naman if nandito nga si Chester?! Hindi naman weird na magkasama kami ni Iñigo! Hindi rin naman weird na nandito siya kasi hindi naman siya personan non grata sa lugar na 'to?

'Okay, Gracey. Your points are all valid, so just calm down,' I told myself. 'Sakalin mo na lang si Iñigo if ever na ilaglag ka niya sa soon-to-be brother in law niya.'

Huminga ako nang malalim.

"Bakit?"

Oh, my gosh. Nandito nga si Chester. I didn't know if I'd be pissed kay Iñigo sa ginawa niya or be actually pleased na nandito nga si Chester. Ang hirap niya kayang hanapin sa ospital! If hindi ko lang siya kilala, I'd wonder kung totoo ba na sa St. Matthew's din siya. He's like a ghost!

"Punta ka raw sa apartment sabi ni Cha," sabi ni Iñigo.

"Talaga?" nagtataka na tanong ni Chester. To be honest naman, napaka-walang kwenta ng sinabi ni Iñigo na reason. Anyone who knows his 'housemate' would find it weird dahil hindi naman si Cha iyong tipo ng nag-aaya ng party sa bahay niya.

Iñigo just shrugged. Gosh. "Nga pala, thank you ulit sa pagpunta kay Gracey," sabi ni Iñigo. "Magpasalamat ka nga, Gracey."

Pinanlakihan ko siya ng mata bago ako humarap kay Chester and nagsmile. "Tha—" I stopped because I remembered him telling me na ten times na raw ako nagthank you sa kanya. Baka isipin niya sobrang shortterm memory ako if magpasalamat na naman ako ngayon. "Can I buy you a coffee?" I asked instead kasi iyong ibibigay ko na coffee sa kanya nun ay naibigay ko sa iba.

Tumingin siya sa akin tapos tumingin kay Iñigo tapos ay tumingin muli sa akin. The smile on my face was still there. Baka isipin niya sketchy ako! Si Iñigo kasi, e! Kainis! Palibasa masaya na siya sa love life niya! Paano naman iyong mga kagaya ko na searching pa rin?

"No need," sabi ni Chester sa akin. Tumingin ulit siya kay Iñigo. "Anong oras ako pupunta?"

Iñigo shrugged. "Tanungin ko muna si Cha. Text kita."

Tumango si Chester bago dumiretso sa counter. Nang makaalis siya, tumingin ako kay Iñigo at pinanlakihan siya ng mga mata.

"What was that!" sabi ko sa kanya. Kung nasa tabi ko lang siya, pipingutin ko tenga nito kagaya ng ginagawa ko dati nung bata pa kami!

"Wala," sabi ni Iñigo na naka-ngisi. "Sure ka ba na crush mo lang? Grabe kahit nung high school tayo 'di ka naman ganyan magreact sa 'kin."

I made a disgusted face. "Ew," I replied.

Tawa lang siya nang tawa sa akin. It's still so bizarre to think na naging kami ni Iñigo before! Mas bagay kasi sa amin maging best friends kaysa kung anuman. Thank God talaga na dumating si Cha sa buhay niya kung hindi, mafoforce ako magpakasal sa kanya kapag nasa 40s na kami and both single pa rin.

"Takot ka naman masyado. 'Di naman kita ilalaglag kay Chester."

"So you mean to say na invited talaga siya ni Cha sa apartment niyo?" I asked.

Iñigo shrugged. Baliw talaga. Then nagtataka siya bakit madalas naka-tingin lang sa kanya si Cha. She's probably speechless sa lahat ng antics ng housemate niya!

"Close ba kayo?" I asked para may silbi naman iyong pagkikita namin.

He shrugged again. Nagtry siya uminom sa coffee niya pero natigilan siya kasi lumabas sa ilong niya kanina. Deserved. Ibinaba niya iyong cup. "Sakto lang."

(Yours Series # 5) Always Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon