Kabanata 9

39.8K 856 129
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 9


"I'll visit Roine after lunch," sabi ni Rems habang tinatalian ang buhok at ipit naman sa pagitan ng hita ang straw hat.

"Sinong isasama mo?" tanong ko habang nagsusuot ng long-sleeve.

"Wala. Ako lang. Gusto kong igala si Daffo."

I slightly tapped my face.  My face looks so reddish. Kakaiba ang init ngayon sa labas.

"Si Simon? Hindi ba kayo magsasabay?"

"We haven't talked since last last week."

Nilingon ko siya. "What do you mean?"

She shrugged her shoulders. "Baka mahuli ako like Ate. Hindi muna kami gagala."

Muli kong binalik ang tingin sa salamin. "I don't believe you. You're cautious. Hindi ka pa nahuhuli. So I don't believe you're scared."

Minsan kasi, kapag pupunta si Rems sa bahay para bisitahin si Roine, sumasabay sa kaniya si Simon. They were best friends since they were high school. Close secret best friends indeed. And friends fall to each other that's why may pagtingin siya kay Simon. Matagal na.

Nilagay niya ang kamay sa baywang at tiningnan ako galing sa salamin. "Remember nung sinabi mo sa akin na buntis ka at si Zame ang ama?"

"Oh?"

"Halos mamatay ako no'n sa kaba at takot."

"Tapos?"

"Ayokong maramdaman ulit ang takot na 'yon."

Nilingon ko siya.

"'Yung time na nag-offer si Simon ng tulong kay Ate Kris, ako ang nagsabi no'n."

Natigil ako sa sinabi niya.

"S-Simon likes our sister."

"Rems," tawag ko dahil kita ko ang paglutang ng sakit sa kaniyang mga mata. "Bakit mo ginawa 'yon?"

"Ate Kristina texted me na matatagalan siyang makabalik ng hacienda dahil nasiraan siya sa daan. At doon pa mismo sa madalang lang may dumaang sasakyan. I suggested to Simon if he could pick up Ate Kris," she turned to me. "He did follow me without any second thoughts, Ate Yary. Na hindi man lang niya inisip na pwedeng may makakita sa kanila at ikapahamak nilang dalawa as long as maaalis niya lang si Ate Kristina doon."

Napanganga ako. "Pero sinabi ni Ate Kristina na naiwan niya 'yung cellphone niya, 'diba?"

"Alibi."

Palipat-lipat ang mga mata ko sa kaniya. "You could have sent someone else, Rems. Bakit si Simon pa? Napahamak tuloy 'yung kapatid natin."

"Yes, I know. I did the wrong move. Nagsisi ako."

I blinked my eyes.

"What? Magagalit ka ba sa akin? Sasabunutan mo ako dahil may napahamak sa pagiging makasarili ko?" humalukipkip siya.

Umiling ako. "Talo ka na nga sa pag-ibig, aawayin pa ba kita?" sinukbit ko ang hat ko sa ulo. "Just don't do it again."

"Yes, I won't."

Sabay kaming lumabas ng clubhouse.

"That's enough. I've already proven that Simon is willing to take risks for her. I'm not a fool in love."

Habang nagtatrabaho ay iniisip ko pa rin ang ipinagtapat ni Rems. Gusto kong magalit pero mas nanaig sa akin kung anong nararamdaman niya.

He likes Simon but Simon likes our sister.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon