Kabanata 44

40.8K 810 156
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 44


"Bakit ikaw ang maglalaba? Pwede naman nating ipa-laundry 'yan!"

Dalawang laundry baskets ang dala ko palabas ng bahay. Sa may pool area ako dumaan kaya nakita ni Simon ang tangan-tangan ko.

"We're doing laundry!" Si Roine ang sumagot na nakabuntot sa akin.

Umahon si Simon sa pool at sinundan ako.

"Yary, bring those to the shop. I'll take care of it later. Leave them there."

Lumiko ako sa may laundry area sa likod. I'm not sure if it's a laundry area since there's also a laundry room inside the house. I just preferred the view at the back of the house kaya rito ko naisipan maglaba.

"Hindi na, Simon. Ayos lang naman. I'm just bored. Hindi naman marami 'to." Sabi ko dahil ayos lang naman talaga.

We usually bring the laundries to the laundry shop. Gusto ko lang aliwin ang sarili. Doing the laundry was fine with me.

"Madami e dalawang basket 'yan?"

"Ayos lang nga."

"Dadalhin ko 'yan sa laundry shop. Itabi mo." He commanded with as much stubbornness.

Sa halip na sundin siya, mas desidido akong gawin ang gusto ko. Binuksan ko ang hose at itinutok 'yon sa planggana.

"Tsk. Kulit mo," aniya pa nang wala nang magawa. "Marunong ka bang maglaba?"

Tumango ako. "Naglalaba kami ni Zame nang sabay."

He nodded his head. "Sige. Balik na ako sa pool."

Tumango ako. Wala si Dym ngayon at kinailangang umuwi ng Maynila dahil nagkaproblema sa negosyo niya roon. Nagpaiwan naman dito si Simon.

Washing clothes was no fun but it entertained me today. I made it a way to pass the time. Si Roine naman ay naglalaro ng bula at nagkukunwaring tumutulong.

I put the wet shorts into the washing machine, while I hand-washed the other clothes. Kahit busy na ay lumipad pa rin ang utak ko sa kinakaharap na problema.

Kanina tumingin ako sa internet para tumingin sa mga malalapit pang lugar na pwedeng puntahan ni Zame. Malaking katanungan sa akin kung wala ba talaga siya rito sa Sorsogon.

I couldn't think of any other place he could go besides Manila. But since Dym mentioned that they have people assigned to search, we still haven't heard any good news from them.

Good thing because we get to go out occasionally. Kahapon ay nagpunta kami ni Roine sa mall, dala ang ibang tauhan na nakabuntot lang sa amin kahit saan kami magpunta. Dym allowed us to go outside, even if it was just for a short while. I'm still grateful for that. Nothing bad happened to us. We're really safe. Hindi kami ginagalaw ni Lolo.

Just to busy myself, I do unnecessary things.

Kahapon, nagtabas ako ng damo sa likod bahay kahit maiiksi pa lang ang tubo. The first thing I did this morning was rearrange the couches in the living room, tapos ang naging ending, binalik ko naman ulit sa dating ayos dahil hindi maganda ang view sa malayo. I also changed the carpet in the bedroom, even though the one I replaced wasn't dirty. At ang huli kong ginawa na muntik ko nang ika-disgrasya, ang umakyat sa puno para mamitas ng macopa. There's a big macopa tree at the back of the house at ang mga bunga no'n ang nangalabit sa mga mata ko. I regretted it. I won't climb trees again.

It took me over two hours to finish the laundry and hang it up. The next thing I did was prepare a snack. Saktong bagsak ng ulan ang siyang pagdating ni Rems.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon