Kabanata 33

35.9K 777 660
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 33


"Hoy! Ang daya niyong tatlo! Bakit hindi kayo nagsama?!" pagrereklamo ni Rems sa kabilang linya.

Pinakita ni Roine ang seaweed na kinakain niya. "Wala ka nito! Iyak ka na lang!" he waved the seaweed in front of the cellphone screen.

Bumusangot ang mukha ni Rems. "'Wag kang uuwi rito, Roine, isasabit kita sa puno!"

Roine laughed devilishly at that.

We're having a vacation in a private resort in Siargao. Only Rall and I planned to go and didn't invite anyone else. We kept it secret, though. Nalaman na lang ni Rems at Ate Kristina na nasa Siargao na kami matapos naming makipag-video call sa kanila ngayon.

Umalis si Roine sa tabi ko dala ang phone. Ipapakita niya raw sa mga Tita niya kung gaano kaganda ang lugar.

There's no one else in the resort except the three of us. Rall paid for everything and reserved the resort for five days. We're the only ones using the private resort now. We even had an argument dahil gusto kong hati kami sa bayad pero nang nalaman kong bayad niya na ang lahat, I got mad at him and argued about his decision.

Sa huli, pareho kaming nag-i-enjoy.

Pinaghalong asul, puti, at berde ang dagat. Ang banaag ng araw ay nasasakto lang para sa kahali-halinang kaligiran ng buong lugar. Sa kanluran nakatutok ang araw na kalahating nagtatago sa puting-puti na mga panganorin. Ang halipawpay sa buhangin na nanggagaling sa init ng araw ay hindi ganoon kasakit sa balat. Everything was just perfect. Kahit saan lumingon ay maganda.

I smiled, closed my eyes, and leaned back on the sun lounger. Bawat sayaw ng puno ay naririnig ko na siyang nagpapakalma nang husto sa akin. Samahan pa ng kantang hampas ng alon na siya ring dagdag palubay.

"Hey," a cold touch on my foot made me open my eyes.

As I opened my eyes, Rall's face was very close to mine. I stared at him. Ang tubig sa basa niyang buhok ay bumabagsak sa dibdib ko. I was wearing a two-piece swimsuit, so the water directly dripping on my skin.

My eyes darted to his sanguine lips. They were all wet because of the water. Kakaahon niya lang.

Namungay ang mga mata kong ibinalik ang tingin sa mga mata niya. Tumaas ang kilay niya na tila nagtatanong.

I snaked my hand around his nape, one move my head forward and I pressed my lips against his lips. Hinalikan ko siya. Gumalaw ang kaniyang labi para i-welcome ang labi ko. Magiliw at banayad kaming naghalikan.

He caressed my stomach and trailed his hand to my waist while gently squeezing it.

From being tender, our kisses slowly intensified. I was running out of breath, but I didn't stop. He touched my jaw and face at mukha wala ring balak ipagparte ang aming mga labi.

I'm searching for something. That would turn me on... would ignite me. That deranging electricity. That switch... the new switch.

I opened my eyes. As I saw how soft Rall is, I closed my eyes again. We continued kissing and kissing.

But I did not find it.

Nang pareho walang-wala ng hangin, tumigil na kami. We opened our eyes and gasped for air. The air coming out of my lungs in a high-pitched hiss.

"Aw! My Mom and Dad are the sweetest!"

Sabay kaming napabaling kay Roine. He's holding my phone and pointing the camera at us!

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon