Kabanata 24

31.2K 574 315
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 24


Dala ko ang tatlong salitang 'yon nang makabalik sa rantso. Sinubukan kong umaktong normal hawak ang mga kubyertos, kumain sa naaayon na kilos ngunit ang sistema ko, nalalamurit na.

When I heard Lolo declare that to the man, I exited myself. Nagtagal ako sa likod ng clubhouse at hinintay na makaalis ang lalaki. Afterward, I pretended as if I just arrived and invited Lolo to head back to the ranch. I told Rems about it through text dahil hindi na kami nagkaroon pa ng pribadong pag-uusap sa hapag.

"Nakausap ko si Crisologo kanina," si Lolo habang tinatapyas ang karne sa plato. "It's saddening that he told me the wedding with Yaryna won't push through because supposedly, Rall asked him to cancel it."

Lumaginsing ang kubyertos ng kung sinong nasa hapag. I turned my head to slowly check who it was. I saw Ate Kris how anger burning on her face.

"Huh?" Mama stopped eating her food as soon she heard Lolo's statement. "Anong ayaw? Umayaw? Si Rall? Si Rall mismo ang umayaw?"

"Oo," kumiskis ang kutsilyo ni Lolo sa kaniyang plato at ramdam kong sinabuyan niya ako ng tingin. "At hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Rall."

Natatakot akong baka tanungin ako. Ayokong magsalita. Dahil hindi pa man ako nagsasalita, sa loob, barag-barag na ang boses ko.

I don't know if I can manage a casual conversation with them at the moment without internally panicking knowing that Lolo wants Zame fucking dead.

"Yary," tawag sa akin ni Lolo.

"Yes, Lo?"

"Did Rall tell you anything that made him want to cancel the wedding?"

I shook my head. "Nag-usap kami noong isang araw pa, wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa kasal. Hindi namin napag-usapan."

Of course, that's a lie.

Rall and I had an agreement. We both agreed to each other. Pero ang dahilan nito, hindi ko ibubunyag sa mga taong naririto, maliban kay Rems na kinuwento ko sa kaniya ng araw ding mag-usap kami ni Rall.

Hindi ko masilayan ang hitsura ng iba dahil nakaduko ang atensyon ko sa aking pagkain, nangangalap doon ng bagay na magpapakalma sa akin.

"It's impossible for Rall to refuse," Mama retorted. "We haven't heard any complaints from him. He already agreed to the wedding. This is impossible. Tumingin ka nga sa akin, Yaryna."

Sinunod ko ang inutos ni Mama.

"Anong kabalbalan ang sinabi mo sa tao kaya umatras?"

"Hindi ko alam, Ma–"

"May gusto ka bang iba kaya ayaw mong matali sa kaniya?" Lolo interrupted me before I could add anything else.

Nilingon ko si Lolo. His face was already contorted with anger. Hindi ko ipinakitang kinabahan ako.

Pinanatali ko ang kaswal na mukha, kung kaswal pa bang matatawag dahil natatakot akong mahalatang kabado ako ngayon.

"Wala akong ibang gusto, Lo. Sadyang hindi lang ako handa. Masaya po ako sa buhay ko, ayokong magpatali sa buhay ng alam kong ikalulugmok ko." Mahinahon kong sabi.

"Talaga bang 'yon ang rason mo?" he asked in defiance tone.

"Yes, Lo."

"Bakit hindi ka makatingin?"

Kahit walang tinik ang kinakain, parang natinik ako. Lakas kabig-loob kong nilingon si Lolo. Naglaban ang mga tingin namin nang parehong magdapo.

"That's the truth, Lo." Sambit ko.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon