Kabanata 20

36K 661 126
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 20


"Anong klase kang kapatid para hayaan 'yung dalawa? At todo suporta ka pa talaga?"

Pagtapos ng ilang oras, pumasok si Ate Kris sa kuwarto. Rems' standing near the dresser while she's standing in the doorway. Galit pa rin siya. She couldn't calm down.

I am calmed now, but not strong enough. Nakatahan na pero ang balon na nasa loob ng mga mata ko ay ramdam kong mamaya-maya ay dadaloy muli.

"Hindi mo maintindihan–"

"Talagang hindi ko maintindihan!" putol nito kay Rems. "Hindi kayang pumasok sa isip ko! I couldn't take this!" she looked at me piercingly. "How much did that man satisfy you? How much did he make you happy? Sa dinami-dami ng lalaki rito, sa kaniya mo pa nakuhang makipagrelasyon?"

"Mahal nila ang isa't-isa–"

"Shut the fuck up, Remijence! Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

I heaved a sigh. Hindi ako makakatakas sa sitwasyong 'to. I was caught. I am boomed. We are boomed. Already.

"Totoong mahal ko siya. Alam kong bawal at hindi pwede, pero pinagpatuloy ko pa rin dahil mahal ko si Zame."

"This has to be some absurd joke. Mahal?" She shook her head in disbelief. "Tapatin mo nga ako, how many years have you been together? And-" I could see the difficulty in her eyes as she almost stuttered. "Totoo bang may anak kayo?"

I nodded. "He's one year old."

Nasapo niya ang noo at napapikit. "Hindi ko maisip kung paano niyo nalusutan 'to. How can I believe that, Yary? Paano ko mapapaniwalaan na may anak ka? I haven't seen you got pregnant!"

"Sa Japan ako nagbuntis."

Umandap-andap ang kaniyang mga mata. Matagal na umawang ang kaniyang bibig sa pagtatala sa utak nang sinabi ko. She looked to the side and laughed disbelievingly.

"Wow!" Dahan-dahan siyang pumalakpak habang umiiling at matuya akong tiningnan. "What a great job you two did! Reason why you didn't want us to go there? Masisiraan ako ng bait sainyong dalawa!"

"Marami kaming pinagdaanan para magtago, sana maintindihan mong–"

"Maintindihan ang ano, Rems? Na pwede niyong ikapahamak 'to? Isa ka pang kunsintidor! Simula't-sapul alam niyo na dapat ang pwede niyong kalalagyan! Ikaw, Rems, tapatin mo nga ako. May karelasyon ka rin ba sa isa sa mga Vendivil, huh? Do you have a hidden child too?"

Umigting ang panga ni Rems. "I'm not hiding anything."

Saglit kaming natahimik.

Nilingon ako ni Ate Kristina. "Alam mo ba kung gaano ako nandidiri sa'yo ngayon?"

Namamanhid na ang katawan ko. Each word she speaks is another blow to my already numbed body.

Kung si Ate Kristina pa lang ang nakakaalam na hindi maatim ang sikreto ko, paano pa kaya si Mom? Dad? Lalo na si Lolo? They wouldn't and couldn't bear this!

"Pumatol ka sa kapamilya ng taong dahilan nang pagkamatay ni Ate Arieva?"

Nilunok ko ang harang sa lalamunan. "Nagmahal lang kami, Ate Kristina. Nadamay kami dahil sa away ng pamilya natin–"

"Bullshit!" Nasapo nito ang bibig. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Nagmahal? Nagmahal ka ng taong hindi dapat sa'yo!"

Matidis na sibat ang tumama sa aking puso nang marinig ko 'yon. Narinig ko ang salitang 'yan kauna-unahang pagkakataon.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon