Kabanata 21

32.6K 646 148
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 21


"Tell him."

Tumingin ako sa kapatagan habang nasa itaas kami ng irigasyon ni Rems.

I know I really should tell him my plans beforehand. Ayokong magpaumuna sa plano. We should talk.

"I still don't know what to do, Rems," sabi ko at humalukipkip.

Tanaw na tanaw ang malawak na kabukiran mula rito sa taas. Ang agos ng mga tubig ng irigasyon, oras-oras na naglalaglagang niyog sa mga puno, at mga naghahabulang mga kambing sa tabi-tabi.

"Hindi ko kayang iwan ang mag-ama ko. Pero hindi ko rin naman sila kayang makitang mapahamak kapag sa oras na sila ang pipillin ko," bumuntong-hininga ako at tinanaw ang malayong asul na dagat na kilometro ang layo ngunit tanaw sa aming kinalulugaran. "If I choose to leave Zame, I'll lose both of them. And if I choose them, I might still lose them. Mahal na mahal ko si Roine, hindi ko siya kayang iwan. Ayoko silang iwan. Ayokong mang-iwan."

"We can't run. They can still find you. If Zame's plan now is to make amends, we're not sure if it will work. Nakita natin kanina na pinagtawanan lang ng gurang nating Lolo 'yung ginawa niya."

She's right. Walang maihahalintulad na tupa kay Lolo dahil hindi siya kayang paamuhin ng kung sino man. Suwitik siyang tao, tuso sa lahat ng bagay.

"I'll talk to Rall. I know he knows that we were forced into this arrangement."

"Ano'ng sasabihin mo sa kaniya?"

"Aatras kami."

"What about Lolo?"

"Lalaban ako. Hindi ako magpapakasal sa kaniya. Ipinaglaban ako ni Zame noon. Kung nagawa niyang itiklop ang kasal nila ni Cecilia, ititiklop ko rin ang kasal namin ni Rall."

I actually don't know what to do first. Pakiramdam ko isang maling hakbang, hindi maganda ang mangyayari. Right. I need to talk to Zame. So I texted him. Sinabi kong pupunta ako ng bahay mamayang alas kuwatro ng hapon.

Tahimik kaming nananghaliang lahat sa hacienda. Ramdam kong panay sulyap ni Ate Kristina sa akin. Iniiwasan ko na lang ang mapagmatyag niyang mga mata.

"Kamusta kayo ni Rall?"

The annoying question from Lolo again.

"We're good," I simply replied.

Minadali ko ang pagkain. I knew this time, he might bring up that damn marriage. Ayokong marinig sa mismong bibig ni Lolo na ipinagkakasundo niya nga ako kay Rall. Even though Ate Kris had already told me, I didn't want to hear it from Lolo. Because hearing it from him would be confirmation that they were really going to force me into a marriage with a man I do not want.

"Nasaan ba ngayon si Rall, Yary? Bakit hindi ka na niya pinupuntahan dito?" Tanong ni Mama.

What the fuck do I know about his whereabouts?

Hindi ko alam kung saang lupalop na napadpad si Rall. The last time we met was at the birthday party of his siste. Wala na rin akong natatanggap na texts sa kaniya, malaking bagay na ipinagpapasalamat ko.

"Malay ko po."

Tumikhim si Lolo. "Ilang linggo na rin siyang nanliligaw sa'yo, hindi pa ba kayo?"

Humigpit ang hawak ko sa tinidor.

What's wrong with this family?

"Una sa lahat, wala akong pakialam kung saan napapadpad si Rall. Hindi ko hawak ang buhay niya kaya 'wag niyo sa akin itanong kung nasaan siya. Hindi kami araw-araw magkasama. And I want all of you to know na walang kami. Masiyado kayong umaasa sa wala."

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon