Kabanata 11

35.6K 744 236
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 11


I was awakened by the bright sunlight seeping in through my window's curtain. I yawned and stretched. Sandali pa akong pumikit atsaka napagdesisyunang bumangon na. I took a bath and wore my usual clothes. It's six in the morning, kaya pagbaba ko, nasa sala pa sila at kumakain.

Nakisalo ako sa kanila. Magaan at maganda ang bungad ng umaga ko.

"Good morning, Lo," I kissed my grandfather. "Morning, Ma, Pa," ganoon din kay Mom and Dad na kumakain na sa hapag.

"Good morning. Have your breakfast," bati ni Papa pabalik.

Si Rems ang wala sa hapag. For sure tulog pa 'yon sa kuwarto niya.

"May nagpapabigay ulit ng rosas sa'yo. Umagang-umaga, 'yon ang bumubungad," Lolo chuckled. "Napakamasugid talaga ni Rall manligaw."

I'm getting used to this. Hindi talaga sila titigil sa pagtutulak at pagbabango hangga't hindi maging kami ni Rall.

"I already put them in a vase," sambit ni Mama. "Rall spends a lot on those roses. He spends for you, Yary. May mga sariwang gumamela rin."

Tipid akong ngumiti at tinanaw ang vase sa gilid na may bago ng tubig at sinasabing rosas na galing kay Rall. Tahimik kaming kumain. Ako lang ang hindi nagsasalita habang sila ay puro talakan.

"Hanga rin talaga ako sa Zame na 'yon," mapang-uyam na humalakhak si Lolo. "Biruin mo, nabali niya ang kasunduan ni Crisologo at Evelinita sa isang upuan lang?"

"May punto siya. But if I were him, I'd still take it. That's Cecilia Maguin. What else does he have to prove? She's beautiful, polite, friendly, at hindi mahiyain makisalumuha," Mama shook her head dissapointedly. "Minsan talaga kung iba rin umikot ang utak ng mga Vendivil."

For Zame Vendivil, Cecilia Maguin is nothing compared to Yaryna Bernardino.

I don't want to belittle or compare, but that's how Zame sees it. Kapag mahal mo ang isang tao, wala ng iba pang mas lamang sa'yo.

We've been through a lot and we already proven how much we love each other in the past five years. Since we were boyfriend and girlfriend for two years and now as married for three years, we're still rugged. Kahit hindi kami magkita ng isang araw o higit isang linggo, hindi 'yon nagiging aberya sa aming dalawa.

Sumabay na ako sa kanila. Nag-iwan ako ng note sa kuwarto ni Rems na nauna na ako.

Sakay ng kabayong si Amela, tinatahak namin ngayon ang plantasyon pataas. Inutusan kasi ako ni Mama na ihatid ang tubigan ni Lolo na naiwan niya.

Tilamsik ng tubig ang tumama sa aking balat dahil sa nalalaglag na mga ambon. Subalit takot akong patakbuhin nang mabilis ang kabayo kaya sinalo ko na lang ang ambon at pinanatili ang tamang takbo.

Nakarating kami sa dulo ng plantasyon. Hindi ko nakita si Lolo pero si Chairman Crisologo ay nakita ko. Nakikipag-usap siya sa isa naming tauhan. Hindi ko sana siya papansinin, but he noticed me.

"Oh, Yary, bakit dito ka sa dulo dumaan?" tanong ni Chairman Crisologo nang mapansin ako. Umalis na ang kaninang kausap.

Bumaba ako ng kabayo. Tumila na ang urong-sulong na ambon.

"Magandang umaga po, Chairman. Dito ho talaga ako madalas dumaan. Nakita niyo po ba si Lolo?"

"Kani-kanina lang narito siya. Pero ang sabi niya ay pupunta siya sa Poblacion ngayon, may kakausaping negosyante kaya umalis."

Tumango ako at ngumiti. "Sige po, salamat. I'll go ahead po."

I was about to mount the horse when he grabbed my hand to stop me.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon