Kabanata 23

32.5K 691 347
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 23


Nagpatuloy ang imbestigasyon sa rantso. The examiner said the results would be provided later. Tama nga ang sinabi ni Papa, ang mga Maguin ang tumutulong sa amin ngayon. Sila ang magpapalit ng mga namatay na hayop.

We could have just bought new ones, but I don't know why Lolo accepted their huge help. Ultimo 'yon, talagang gusto niyang tumanaw kami ng utang na loob sa kabilang pamilya.

"Malaman ko lang talaga sinong hinamungkal ang nagmamanman, sasampalin ko wantusawa," sabi ni Rems habang sinasawsaw ang suman sa asukal.

Nasa ilalim kami ng puno, namamahinga, at kumakain ng meryendang suman, brioche, at leche flan.

"Hindi kami pwedeng magkita ni Zame buong linggo. Pati pagpunta sa bahay. Baka may sumunod sa akin," sabi ko at paulit-ulit na dinutdot ang suman sa asukal. "Tulad nung kay Ate Kristina, posibleng iisang tao lang ang nakamasid sa amin ni Zame."

"No. Hindi iisang tao 'yon. If it were, they should have shown evidence to Lolo like Ate did. Siguro nagkataon lang na may nakakita sainyo kagabi at bida-bidang sinabi kay Lolo."

Malalim kong pinag-isipan ang sinabi niya. She has a point. Swerte ko na lang kanina at naisalba pa ako ni Ate Kristina.

"Ito ring si Ate Kris 'di malaman kung kalaban ba o kakampi. Lakas magbanta pero niligtas ka naman kanina," she talks while her mouth was full of rice cake. "Pero, ano? Do you know what to do now?"

Sumubo ako ng suman. "Zame doesn't want me to choose between anything, Rems."

Tumamihik siya at malalim na nag-isip. Nagbanggaan pa ang mga tinidor namin sa plato dahil lumulutang na sa kailaliman ng pag-iisip.

"Alam niyo tangina, wala akong jowa pero 'yung problema ko sainyo parang sagad sa buto." Aniya matapos ang saglit na katahimikan.

Sabay kaming natawa. Kalaunan, nag-isip ulit.

Hindi pa rin ako napapanatag. We still didn't have a quick solution on how to fix this. Even hiding wasn't safe anymore. Hindi pwedeng dumepende na lang ako sa iba.

I needed to make my own decision.

Nagpunta kami sa rantso. Just as Rems and I got off the rover, Mr. Valdez, the veterinarian, was there examining the animals. Lolo and Mama were there, as well as Chairman Crisologo. Papa was likely in the office. Si Ate Kristina naman ay hindi ko makita.

"Lason ang pumatay sa mga alaga niyo, Federiko," rinig kong saysay ng ginoong taga-suri nang makalapit kami. "Sa tubig sila nalason. I believe the poison was put in the water."

May papel na binabasa si Lolo. Sa tabi niya si Chairman Crisologo na may binabasa ring papel.

"The poison took effect after a few hours," pagpapatuloy ng ginoo. "It lasted for three to five hours in their bodies, kaya hindi na naagapan agad dahil sa tagal na ng lasong kumalat sa katawan."

"Malinis ang mga tubig na pinapainom sa mga alaga namin at imposibleng tubig mismo ang lumason sa kanila," sambit ni Lolo. "Kung sa tubig galing, hindi lang kami ang maaapektuhan, kundi ang kabilang mga rantso rin."

Tumango si Chairman Crisologo. "Sinadya ang paglason na ito, Federiko. Kailangan nating malaman kung sinong walang puso ang gumawa nito sa pamilya niyo."

In that moment, I realized that there's truly someone behind this. Someone's stabbing us in the back. Lolo didn't mention anything about the Vendivils, so I don't think they're involved. Hindi ko pa rin natatanong si Zame kung anong balita sa kanila.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon