Kabanata 25

36.4K 727 180
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 25


"Hindi niyo iaanunsyo sa publiko, Lo. Our wedding will be private, and I want only our families to know. I want to live quietly in another country. I don't want to be rude, but I don't want all of you to visit us there," isa-isa ko silang nilapatan ng tingin. "Sinunod ko ang gusto niyo, sundin niyo ang gusto ko."

Their reactions to my proclamation were one of mild surprise, yet, it did not look to bother them. Right. Ano pa bang aasahan ko? Marrying Rall is their top priority, after all. They truly don't care about me.

Walang silang pakialam sa nararamdaman ko basta mangyari ang hangad lang nila ay ayos na. In other words, I am just a tool with a singular purpose for them.

Uminom ako ng tubig para itulak ang bara sa lalamunan.

"Mabuti na lang at nagbago ang isip mo," ani Lolo habang iniikot ang pasta sa kaniyang plato. "That's good. Sige, kung ano ang gusto mo, hindi na kami aapila pa. I hope you'll have a healthy marriage with Rall."

"Why don't you want to live here, Yary?"

"That's what I want," simple kong sagot nang hindi inaangatan ng tingin ang ama.

"We'll expedite the process of everything. Your wedding will be at the end of the month, and we can still make preparations. Five days from now," masayang turan ni Lolo.

Nakakapagod. Nakakapagod manirahan sa bahay na 'to.

Buong maghapon sa plantasyon, pinagtrabahuhan kong pagurin ang sarili ko. Galaw doon, galaw dito. Buhat doon, buhat dito. Tulong doon, tulong dito. Halos inaagawan ko na ng mga trabaho ang mga tauhan.

The following days held no respite or relief. I forced myself to get up and do something to distract from the things that were draining me.

At the top of the vast cornfield where I could see the flat sweet potato field below, I watched the workers harvesting sweet potatoes under the intense sunlight. Inilagay ko sa bibig ang hawak na limonsito at ninamnam ang tamis.

I am deeply in love with Zame after we came back here. I remember, he caught my attention when I saw him nagbabalat ng mangga sa ilalim ng mango tree.

Anong nakaka-in love sa pagbabalat ng mangga?

Tandang-tanda ko pa kung paano ako natameme habang nakikita siyang nagbabalat lang naman ng mangga, tapos hihiwain niya ang laman, at sa kutsilyo siya mismo kakain.

Matagal ko na siyang napapansin noon kahit sa school, pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya dahil isa lang naman ang laging nakasapak sa kokote ko noon. Isa siyang Vendivil at kaaway namin ang buong pamilya niya.

I don't know how I started liking him, but it all began with watching him peel mangoes.

Nanginig ang phone ko sa bulsa. I took it out to see who's calling. Nang makita ang isang letra roon, napangiti ako.

Even his first initial feels like home.

I should enjoy the remaining days with him before I leave. Kailangan kong ipakita sa kaniyang ayos lang ang lahat, kahit sa dulo, magbabago ang lahat.

"Zame!" I exclaimed excitedly.

"You finally answered the call. Kumain ka na?" para siyang nabunutan ng tinik sa susunod niyang tanong. "What happened? Nagkaproblema ba?"

Napangiti ako. "Yup, kumain na ako. And sorry, busy lang, you know, we need to be careful. This coming Sunday, alis tayo?"

"Hmm? Where do you wanna go?"

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon