Chapter 13

510 27 0
                                    

YANNE

Pagod ako kahapon ewan ko pero nag habulan lang naman kami ng nga pamangkin ko. Tulala ako habang naka titig sa ceiling ng kwarto at naalimpugan naman ako ng may kung sinong kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Aba, kung maka katok aka mo nama’y bingi ang nasa loob ng kwarto. Padabog akong tumayo sa kama ko para buksan ang pinto at nakita ko nama si Kuya Luis na naka simangot habang naka lagay sa baywang niya.

Kumot ang noo ko ng makita ko siya. Bakit ba umagang umaga ganyan agad ang mukaa niya?.

“Why?” tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

“Your manliligaw is downstairs” Naka simangot niyang sambit.

“HAAAA?!” Sigaw ko. Bakit naman nandito yong isang ‘yon?. Dali dali akong lumabas sa kwarto ko at nag tungo sa baba para siguradohin kung nandoon nga ba siya. Halos tumalon naman ako sa gulat ng makita kong kumpleto sila sa dining at nandoon rin si Remz!.

“Oh you’re awake already!” Masiglang sabi ni Mommy saka tumayo at nag lakad papalapit saakin.

“Kanina pa siya nandito,” Bulong ni Mommy at bahagya namang nanlaki ang nga mata ko.

Babalik na sana ako sa taas para mag hilamos at para maka pag palit ng damit dahil naka pantulog parin ako pero nagulat naman ako nang hilain ako ni Mommy at pinaupo sa tabi ni Remz, doon rin naman kasi ang upuan ko.

Awkward akong ngumiti sakanya ng maka upo ako sa tabi niya.

“Good Morning” Bulong niya saka ngumiti.

Hindi rin naman nag tagal ay bumaba na si Kuya Luis at tumabi kay ate Xandra may binulong siya kay Ate Xandra at bahagya naman itong tumawa saka tumingin saakin.

Kunot noong kumakain si Kuya Luis habang si Kuya Alfonso naman ay pinapakain si Andy. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa mag salita si Kuya Luis.

“Remz siguro ka bang nanliligaw ka talaga kay Yanne?” Tanong ni Kuya kaya napa tingin kaming lahat sakanya.

“Yes po” Magalang na sagot ni Remz.

“Kahit malaman mong tulog mantika siya, humihilik at nag lalaway kapag natutulog?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya. How dare him?!.

“Yes po” Sagot nito kaya nag pout si Kuya saka tumingin sa gawi nila Mommy.

“Are you sure?” Paninigurado ni Daddy kay Remz at tumango naman ito.

“Kaya ko po siyang i-prioritize… I can also give her a good future” Sabi niya at sa huling salita niya ay medyo pabulong kaya hindi gaanong maintindihan.

“Prioritize?” Tumago si Remz.

“Baka mamaya–”

“Stop it, Gregorio. Tinatakot mo manliligaw ng anak mo, buti nga siya nahaharap ang parents ng nililigawan niya tiyaka ganyan ka rin naman dati mas malala nga lang dahil wala pang tayo ay tinatawag mo na akong honey” Natahimik si Daddy sa sinabi ni Mommy. Aguy, na bunyag ang dapat na hindi i-bunyag.

“You shouldn’t have to tell that” Mahinang sabi ni Daddy. Tumatawa kami nila Kuya ngayon. Hindi namin alam na ganon si Daddy noon.

Inasar asar namin si Daddy pagkatapos naming kumain at ayon nasa taas siya ngayon. Wala pala si Gorio e, asar talo.

Nasa veranda kami ngayon kasama sila Kuya dahil nasa loob si Mommy.

LUIS

Hindi ko alam pero kanina pa ako naka tingin sa gawi nila Yanne. Kanina pa ako na kunot noo dahil kung titigan ni Remz si Yanne parang gusto na niyang i-uwi ang kapatid ko, hindi pwede hindi maaari.

“Kanina ka pa naka tingin sa gawi nila” Bulong ni Xandra sa tabi ko.

“Naiinis ako” Sagot ko dahil totoo naman. Hindi naman sa ayaw ko kay Remz it’s just that Yanne just turn eighteen! Ang bata pa ng kapatid ko para ligawan dapat nga thirty eight siya mag papaligaw e.

“E what should we do? Dalaga na si Yanne, sa lahat ng gustng manligaw sakanya siya yong nag lakas loob” Xandra said, my eyes widened. What?! Sa daming gustong manliligaw? Alam ko naman na maganda ang baby sister ko at madaming gustong manligaw pero bakit hindi siya nag sasabi? Sinabi ko sakanya na kapag may gustong manligaw sakanya mag sabi siya.

Tiyaka bakit hindi niya pinaalam saamin na may nanliligaw na sakanya nalaman lang namin nong birthday niya kunh siguro hindi pa nah tanong si Daddy noon magugulat nalang kami may ipapakilala na siyang boyfriend niya.

Hindi rin naman kami nag tagal sa veranda at bumalik kami sa loob naka sunod lang kami kela Yanne sa likod at nag paalam saglit si Remz na may kukunin raw sa sasakyan niya.

“Hey, gaano kana niya katagal nililigawan?” Tanong ko kay Yanne saka umakbay nang maka lapit ako sakanya.

“Three months?” My eyes widened. What? He have been courting my sister for about three months then Yanne didn’t even think to tell us?.

“Isusumbong kita kay Daddy” Banta ko.

“NO!” Sigaw niya saka tinakpan ang bunganga ko. Hakos magkasing tangkad lang kami ni Yanne at yong iba nga pinag kakamalan siyang Ate ko.

“Isusumbong talaga kita kung hindi pa nag tanong si Daddy nong birthday mo hindi pa namin malalaman”

“Sasabihin ko naman e nag hihintay lang ako ng araw na kumpleto tayo” Bahagya akonh umirap. Paano kapag hindi kami ma kumpleto e ‘di hindi na niya sasabihin.

Hindi rin nag tagal ay dumating na si Remz na may dalang bulaklak saka isang paper bag.

Inabot niya kay Yanne ang hindi naman gaanong malaking bouquet saklo lang saka ang paper bag.

Itong isa naman kung maka ngiti akala mo wala nang bukas abot tainga ang ngiti. Pag umpugin ko kaya sila ng manliligaw niya? hmpf.

Home where the heart isOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz